“I’m just so happy sa kinalabasan, I’m not just here to make pasikat, I’m just here to share yung talent na binigay sa akin. Salamat sa lahat ng nagpunta ngaun Gabi, thank you for listening sa mga kantang pinaghirapan namin at pinagpaguran ng lahat. And this is just me doing the job, there’s a lot of people behind it and have a wonderful staff na I think we are all here because of purpose. Salamat talaga Kasi parang naging reunion ito ng mga pagkakaibigan simula na nag-umpisa at hanggang.”
Ayan ang naging pahayag ni Anton Diva pagkatapos ng isang masayang first major concert niya na ginanap sa Cuneta Astrodome kung saan dinaluhan ito ng madaming tao halos mapuno nga nito ang buong Cuneta Astrodome. Hindi naman na nakapagtataka dahil sa galing at husay ba naman ng isang Anton Diva.
Isa sa mga naging highlight ng kantang concert kung saan nakipagtalakan at bigay kasiyahan sa madlang people ay ang makaduet niya ang nag-iisang Asia Songbird Regine Velasquez-Alcasid at syempre mas lalong nagbigay ng sigla ay ung nagsama na ang dalawang bigatin mukha ng comedy bar na si Vice Ganda.
Kaya naman lahat ng mga nanood ng gabi na iyon ay siguradong umuwi ng masaya at matutulog ng may ngiti sa labi.

Comments

comments