Naaaliw lang na sunod sunod na ang pagpapalabas ng mga BL series sa Pinas kahit wala pa ito sa free TV.

Iba talaga ang nagagawa ng social media network katulad ng YouTube sapagkat dito napapanood natin o napipili natin ang gusto natin mapanood. Nakakaaliw din kasi may mga ilang mga theater production na ang nagpapalabas ng kanilang show sa YouTube katulad na lamang ng “Ang Huling El Bimbo” hindi di? Pero syempre iba pa rin talaga pag napanood mo ito ng live.

Speaking of theater production, may isang theater production na naglaunch ng kanilang series of play na kung saan napapanahon din naman at ang maganda sa production na ito mahuhusay ang mga napiling actor at samahan mo pa ng mahusay na kanta. Tamang tama ito para sa mahilig sa musical production.

Ang production theater na ito ay walang iba kundi ay ang Artist Playground Theatrix na ibigsabihin ay Theater x Music x Film. Ang unang series nila ay may pamagat na Taguan na pinangungunahan na theater actors na sina Jayson Santos and Vince Conrad.

Narito ang first episode ng Artist Playground Theatrix’ Taguan

 

Comments

comments