Marami ang nakakapansin mo muli na naman akong bumalik sa aking isa sa masasabi kung pinamahal ko ng husto, ang photowalk. Napansin ko din sa sarili nitong nakaraang taon ay muli nabuhay ng husto ang aking pagmamahal sa photowalk marahil dahil na rin siguro ito sa mga taong nakapaligid sa akin at sa mga bagong nakilala sa mundo ng FujiFilm Community.

Ang magandang sa photowalk kasama ng community ay mas nakikilala mo ng husto ang gear mo at nakikita mo sa sarili mo kung anu-anu ng mga kailangan mo iimprove at hindi lamang iyong sapagkat makakakilala ka rin ng mga bagong tao na sa iyong tingin ay mas lalo kang nahahasa ng husto. Ang gusto ko sa nakaraang taon at sa taong ito ay napansin ko na sobrang aktib ko na din sumali sa mga session ng community kasama na dito ang ilan sa mga session ng Fujifilm Philippines.

Tama naman din naman iyon sapagkat kung gusto mo nga talaga mas lalong mahasa sa iyong larangan gamitin mo ito at iyabog ng husto. Dahil kung hindi mo naman ito magagamit panigurado mawawala ito ng hindi mo inaakala.

Kaya naman nitong nakaraang Chinese New Year sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng isang Photo and Video Walk ang FujiFilm Philippines upang mas lalo pang mahasa ang gear ng mga FujiFilm users, nakakatuwa lamang sapagkat ito rin ang pagkakataon upang makilala mo ang ilan sa mga hinahangaan mong mga litratista mula sa iba’t-ibang genre ng photography. Maliban pa dito ay may pagkakataon ka din na tanungin sila sa mga bagay na dito mo alam pagdating sa mga setting na gusto mong output mo sa photography. Ika nga nila sharing the ideas na syang naman nagpapatunay dito.

Sobrang galak din ako ung araw na iyon sapagkat ang isa sa mga community na kabilang ako ay andun at aktib na aktib sa mga bawat ganap, anung community pa ito, anu pa nga ba kundi ang FujiFilm X-A3 Community kung saan mas nagbibigay ng mga idea ang mga membro nito kung kailan at kung minsan naman ay nagpapalitan ng mga lente lalong – lalo na kung may naiisip silang mga konsepto sa mismong araw na ito.

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan ko sa Chinese New Year Photo and Video Walk with FujiFilm Philippines.

Ang naging tema pala noong Chinese New Year Photo and Video Walk with FujiFilm Philippines ay “Tradisyon”.

Comments

comments