Sabi nga nila lahat ng nagtatapos ay may magandang simula na tyak na mas masaya, nakakapanabik at nakakagalak.

Iyan ang akin naramdaman sa finale episode ng Gaya Sa Pelikula kung saan tampok ang mahusay kahit baguhan pa lamang na sina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan.

Ang Gaya sa Pelikula ay Isang Boys Love (BL) series na ginawa at likha ng isang mahusay na manunulat na si Juan Miguel Severo na sumulat din ng paborito kung CCP Labfesf at pelikula na “Hintayan Sa Langit”, kaya naman hindi na ako nakapagtataka pa ng husto kung bakit parating trending sa twitter ang kanyang obra na Gaya Sa Pelikula.

Anu nga ba ang pinagkaiba ng Gaya sa Pelikula sa ibang Pinoy BL Series na meron sa Pinas, siguro base sa akin obserbasyon madaming tinatalakay sa bawat episode nito na talaga naman may kirot sa puso hindi lamang sa pagkatao mo kundi bilang isang indibiyual katulad ng pag-ibig, pagpapakatotoo sa iyong sarili, mga problema sa pamilya at kung nanamnamin mo ng husto ang isang episode tumatalakay din ito sa kwentong lipunan.

Kaya naman sa finale ng Gaya Sa Pelikula hindi na ako nagtaka na sobrang ganda nito lalo’t pa ang daming mga quotable lines ang bawat karakter nito mula kay Tito Santi, Anna, Karl at Vlad.

Narito ang ilan sa mga quotable lines ng Gaya sa Pelikula Finale.

Kaya naman mas naexcite ako para season two nito malamang mas madaming kwento ang mabubuksan.

Comments

comments