Sabi nga nila minsan kailan mo din lumabas sa gabi kasi minsan doon mo lang makikita ang ganda ng isang lugar lalo na ngaun na ang daming pagbabago na nangyayari sa paligid natin.

Kaya naman sa taong 2020 may isa akong series na Ilan beses na di matuloy-tuloy dahil na rin sa dami ng errand pero buti na lang talaga ay maayos na ang ibang lugar kaya masaya magphotowalk sa gabi.

Isa ang Intramuros sa masarap talaga puntahan mapaaraw man ito o gabi dahil sa dami mo talaga makikitang mga magagandang lugar at makasaysayang mga gusali at museong nakapaloob dito. Pero iba pa rin talaga ang binibigay nitong laglay pagsabit ng gabi. Lalo na ngaun na unti-unti ba nilang binibigyan ng liwanag ang ilan sa mga madidilim na lugar at mga makasaysayang pook nito. Kaya naman di na nakapagtataka pa kung bakit kahit gabi na ay patuloy pa din ang pagdami ng mga tao sa Intramuros lalong-lalo na sa Fort Santiago kung saan binuksan na rin nila ang Dungeon.

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan para sa Intramuros by Night.

Ikaw naranasan mo na ba gumala ng gabi sa Intramuros?

Comments

comments