Kilala si Melai Cantiveros bilang isang mahusay na komedyante at isang host ngunit hindi alam ng karamihan na business minded din ang ating mamshie dahil nitong buwan lamang na ito ay opisyal na siyang bahagi ng isang masarap an abot kayang pagkain para sa lahat, walang iba kundi ang Adobo Connection.

Hindi naman nakakaila sa lahat na ang Adobo Connection ay naging sikat noong late 2000′ dahil sa masarap adobo nito at iba pang mga menu katulad ng kare-kare, sinigang na bangus at iba pa na swak na swak sa budget.

Posted by Axl Powerhouse on Wednesday, January 29, 2020

Si Melai Cantivero ay hindi lamang basta-basta isang endorser ng Adobo Connection sapagkat sya mismo ay magkakaroon ng isang branch ng Adobo Connection sa taong ito hindi pa nga lang nya masabi kung saan branch nya ito gusto kung sa General Santos sa Mindanao o dito sa kamaynilaan. Pero kung saan man ito panigurado na pupuntahan ito ng marami dahil sa abot kayang menu nito.

Narito ang bidyo kung saan ipinahayag ni Melai Cantivero kung bakit nga ba Adobo Connection ang kanyang napili na gawing negosyo sa taong 2020.

Comments

comments