Mobi Rebyu : Isa Pang Bahaghari (MMFF 2020)

- Advertisement (970x250 Desktop) -

- Advertisement (300x250) -

PAGEONE Spotlight

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

One thing that “Isa Pang Bahaghari” can be proud of is its ensemble. Everyone was able to deliver the acting necessary for their roles. Maski si Jim Pebanco ay lumalaban kahit pa maliit ang kanyang role. Hindi naman ito mabigat talaga pero tumatak siya sa akin sa mga eksenang nandoon siya partikular ang eksena niyang kasama sina Philip Salvador at Zanjoe Marudo. Tuwang-tuwa ako sa gigil at galit at authoritative niyang tono when he said “Kunin mo!” referring to the calling card na binibigay ni Philip kay Zanjoe who refuses to do so dahil galit sa tatay niyang si Philip. Given that, di pa rin ito papantay sa ensemble acting ng past Joel Lamangan MMFF entry na Filipinas which, taken out of its far-fetching social context, can be already considered as classic.

- Advertisement (300x250) -

What is problematic for me is the narrative plot of the film which seems illogical and irrational. Parang siyang comedy na pinagpipilitan i-push ang motif para lang maitawid ang naratibo kahit di ito nagwo-work.

Ang premise kasi, nagbalik si Philip after his absence of 20 years. Everyone thought he was dead dahil sa sumabog ang barkong pinapasukan niya, and no one heard from him ever again since then. Kaya naman nang makita siya ng long-time friend na si Michael de Mesa, hinimatay ito sa pagkabigla. Siya lamang ang may tamang reaksyon sa pangyayari dahil ang sinalubong ng buong pamilya ni Philip sa kanya ay galit.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nila when they knew all along na patay na si Philip. Hindi ba ang tamang response ang magulat muna at magtaka at makaramdam ng relief na buhay ang mahal nila sa buhay? Yet it seemed that they were holding on to such grudge for 20 years for someone who was assumed to be dead. Napakatagal na panahon ang 20 years para magalit sa isang tao na patay na!

Yes, the feeling may soon turned to anger upon realizing na pinagtaguan sila ng tatay nila but then, hindi na ito mauuwi sa ganoon kung after a sigh of relief eh pakikinggan nila ang totoong nangyari sa kanya. Tapos gagaan na ang buhay nila dahil maraming dalang pera ang tatay nilang DDS! Giginhawa na ang buhay nila. End of film. Di ba ganyan naman si Tatay talaga? Ise-save tayo sa korapsyon at kahirapan!

Pero ayon na nga, pinagpilitan na ang irrational at illogical emotion para humaba ng dalawang oras ang movie at makapagdrama ang mga bida sa pelikula. Parang si Tatay sa midnight speeches niya.

Bukod pa roon, marami pang kakamot-kamot ng ulo sa naratibo ng pelikula.

SPOILER ALERT at this point!

Si Sanya Lopez na anak nina Nora Aunor at Philip, dancer sa club. 5 years na ‘ata. Dancer lang naman daw s’ya, di pokpok. S’ympre, dapat may dignidad pa rin kahit mababang uri ang tingin sa trabaho. At dahil sa dignidad na ‘yan, napapaaway pa siya sa customers kasi bastos daw at manyakis. Aba! Malamang ganyan sila dahil di sila nagpunta sa bar para mag-prayer meeting! 5 years na siyang sumasayaw, hindi pa siya nasanay sa ugali ng customers. At dahil pinasok niya ‘yan, dapat ay alam niya ang risk involved. I get it na dapat pa rin niyang pangalagaan ang sarili niya pero di na siya dapat magtaka kung sakaling may mag-a-attempt na landiin siya. Saka sa kumbento ba siya nakatira para di masanay sa ganoong behavior ng mga lalaki? Saka hello, di ba ganyan manglambing si Tatay?! Pero joke lang yon sa kanya. Kahit ipinger ka pa niya, joke lang yon kaya wag kang mao-offend! Deep inside, sweet sya. At mahal niya tayo. Bilang mga anak.

Si Zanjoe, pusher. Kaya siguro may aversion siya sa tatay niyang DDS! Baka kasi ipapatay siya. Charoooot!

Ang bunsong si Joseph Marco, nakakulong. Pinakulong ng mayamang tatay ng gf niya dahil ayaw sa kanya. Matagal-tagal na rin siyang nakakulong. Shocks! Uso pa pala ‘to! Sabagay si Tatay nga, anyone and anything he want, napapakulong at napapasara niya.

Pero ang fresh ni Joseph! Parang bagong paligo. Parang wala sa preso.

Ang point ko lang eh napakaluma ng kadramahan ng pamilyang ito! Si Dyamante nga, dinala na sa Mindanao ang poverty porn niya. Charooot!

But luma is not bad really. May lumang nagmumukhang bago. Anyway…

Si Philip, suddenly sa last third ng film, may big revelation! Sa una, pasumpong-sumpong ng ubo but it turned out, may lung cancer! Stage 4! Takte! Stage 4 na pero di man lang humahapo sa pagpunta kung saan-saan. Ni hindi nahirapang huminga sa init ng lugar nila given na walang kuryente thus walang bentilador. At ang healthy niya tingnan for someone na may stage 4 cancer! Kaya sinong mag-aakala!

Tapos eto ka! So nagkabati-bati na silang lahat, naayos na niya ang buhay ng mga anak (s’ympre DDS, eh!), inaya niyang magpakasal si Nora.

Kasi before he left, di sila kinasal kaya di ma-claim ni Nora ang death benefits niya sa barko. (See! Alam nilang patay na si Philip at di lang nagtatago at gumawa ng ibang pamilya so again, saan nanggagaling ang galit nila! Mga leche!!!) Pumayag si Nora, opkors.

Si Ipe lang ang kaisa-isang lalaking minahal niya, sabi niya. ‘Yan na ‘ata ang pinaka-quotable quote sa mga linya nya sa movie.

Hindi alam ng mga anak nila ang pagpapakasal. So masosorpresa ang mga ‘to. But a different surprise awaits them. Nakita nila ang mga magulang na naka-japorms pang-kasal, nakahiga sa kama, patay na!!!

Luh! Paano nangyari ‘yon? Sige, given naman na may sakit sa puso si Nora. Paanong di natin malalaman eh laging sinasabi, “Nay, may sakit ka puso,” “Nay, hinay-hinay lang. May sakit ka sa puso.”

Siguro na-excite kaya inatake. O baka nag-ayang magseks si Ipe kaya ayon, kinileg ang keps, di kinaya ng puso! Ako rin, kung 20 yrs nang walang dyug, baka atakihin din! Charooot! S’ympre di ako papayag na umabot ng 20 yrs! Charoooot uli!

Pero si Ipeeeeee?! Paano siya nakasabay sa kamatayan?! Cancer ang sakit nya! Stage 4! Hindi sakit sa puso. At hello! Maayos silang nakahiga sa kama so hindi ito biglaan. O ano, umidlip lang sila, tapos di na nagising? O uminom ba ng lason kasi feeling nila sila sina Romeo at Juliet? Tangina! Hindi ko maintindihan!!!

At saka ang ganong ending ay deserve lang nang may mala-epikong pag-iibigan! Hindi sila! Wag nga ako! Being separated for 20 years doesn’t deserve such ending. Being sexless for 20 years even!

Tapos may-I-run ang souls nila sa dagat! Ano, para magpakalunod?!! Pwede baaaaa!

Isa Pang Bahaghari is not bad per se. Passable pa rin naman siya as melodrama kung di ka lang magiging mapanuri sa detalye ng naratibo.

Michael De Mesa deserves the acting award!

On the other hand, I feel bad for Nora. Dahil sa pagkakasulat ng character niya. Mas malalim pa kung tutuusin ang role ni Gloria Romero sa Rainbow’s Sunset kaysa sa kanya dito. Hindi rin siya nabigyan ng matitinik na linya at memorable. For someone of her stature and seniority, understandable naman kung makiki-share na lang siya ng spotlight sa marami pero di katanggap-tanggap na bigyan sya ng role na kahit nakapikit ay kaya niyang gawin. Even her redoing of the famous “Hayop, hayop, hayop” line from 1979’s MMFF couldn’t save such a mediocre role.

Justice for Nora Aunor!!!

Isinulat Ni Jex David

Larawan mula sa Youtube ng Isang Pang Bahaghari.

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -