AXL Powerhouse (Popeyes Southmall)

Isa sa mga sikat na Chicken House o sabihin na nating Popeyes Louisiana Kitchen o mas kilala bilang Popeyes ng karamihan ay ang opisyal na talagang nagbabalik sa Pilipinas sinumulan nila ito sa kanilang unang branch sa Arcovia City, Pasig City noong narakaang taon lamang at ngayon araw naman na itong Enero ng 3, 2020 ay opisyal ng binuksan sa publiko ang kanilang bagong branch sa SM Southmall kung saan panigurado na madaming pupunta sa susunod na araw lalo’t pa na ang Southmall ay isa sa mga mall na pumuntahan ng mga tao mapaCavite, Las Pinas o Paranaque man ito.

Kaya naman di na nakapagtataka pa kung bakit ilan sa mga stall ay dito nagsisimula.

Mr. Ton Gatmaitan, Kuya J Group Marketing Director

Nabanggit din ni Mr. Ton Gatmaitan, Kuya J Group Marketing Director na may planong silang mas mapalawigin pa ng husto ang mga branches ng Popeyes sa lahat ng SM sa buong Pilipinas syempre sa pakikipagtulungan ng SM Malls. Ibig sabihin lamang nito mas lalong mapapalapit ng husto ang Popeyes sa mga tao at madaming makakatikim ng kanilang masarap na fried chicken, biscuits na meron tatlong flavor na hazelnut, white chocolate at honey.

Isa rin sa pinagmamalaki pa ng Popeyes ang kanilang masarap at sulit na Chicken French Quarter at ang Popeyes Spaghetti.

 

 

 

 

 

Ilan sa mga sikat na personalidad na dumalo sa opening ng Popeyes SM Southmall branch ay ang Kapusong Rhian Ramos, Kapamilyang Miles Ocampo, F1 Racing driver Marlon Stockinger at dating DLSZ Junior Archers at ngayon ay F2 Logistics Cargo Movers na si Kim Kiana Dy.

 

Kaya naman anu pa ang iyong hinihintay sugod sa Popeyes Southmall branch lalo na kung tiga-South ka lang. Matatagpuan ang Popeyes sa lower ground ng SM Southmall.

Comments

comments