Sabi nga nila ang bawat pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga mamamayan nito at kung paano nito mapapaunlad ang kanyang sarili sapagkat kung nagawa niya ito ay mas madaming mga mamamayan ang matutulungan nito. Isa sa mga magiging halimbawa nito ay pagtatayo ng negosyo, isang negosyo na hindi lamang ikaw ang makikinabang kundi ang mga nasa paligid mo na rin sapagkat mabibigyan mo din sila ng pangkabuhayan na syang magiging dahilan upang mas lalong umabong ang kanilang pinansyal at syempre ang ating ekonomiya.

Isa sa QBO na maaring makatulong sa iyo kung may balak kang gawin na negosyo na sa tignin mo ay may malaking impak o mas tamang pagbabago o inobasyon sa atin ngayon.

Ang salitang QBO ay nagmula sa Kubo na ibig sabihin ay nagsimula sa maliit ngunit siksik at matibay at sa isang kubo bago ito mabuo ay meron pagtutulungan upang mas mapabilis ang pagbuo nito o hindi naman kaya kung maglilipat ito ay nariyan ang mga kaibigan na magkakapit-bisig para malipat ito sa mas malawak at mas mainam na paglalagyan.

Posted by Axl Powerhouse on Wednesday, January 29, 2020

Ang maganda sa QBO ito ay isang NGO o Non-Goverment Organization kaya naman nakakasigurado na mas matutukan ang mga bagong inobasyon o start-up business na pinaplano syempre hindi naman nila magagawa ang isang mahusay na ganitong platform kung wala ang tulong ng mga pribadong kumpanya na syang nagiging sponsor sa mga nagsisimula pa lamang.

Narito ang kabuong bidyo kung anu nga ba talaga ang QBO, paano makakatulong ang QBO sa mga gustong pumasok sa start-up, may mga seminar o convention ba para mas maging malinaw sa mga papasok sa QBO?

Ang lahat ng mga katanungan na iyan ay iyong mapapanood sa bidyo na ito.

Para sa iba pang mga impormasyon patungkol sa QBO maari ninyo lamang silang puntahan sa kanila facebook page na https://www.facebook.com/QBOphilippines

Comments

comments