Hindi naman kaila sa lahat na mas naging aktibo ako ngaun taon o mas tamang sabihin na nitong nakaraan taon sa pagsali-sali sa mga photowalk lalo’t pa kung ito ay inorganisa ni FujiFilm Philippines. Bakit nga ba? Sa anu dahilan kung bakit nga ba ako muling bumalik sa isa kung minamahal, marahil sigurado gusto ko makita kung paano na nga ba nagbago ang pagkuha ko ng mga larawan sa paligid o makikihalubilo sa mga tao lalong lalo na sa mga photographers. Iba pa din syemprer kung ang mga kapwa mo mamimiyot ang iyong makakasama dahil mas nagiging malawak at nadadagdagan ang iyong kaalaman patungkol sa hobby na pinasok mo.

Nitong nakaraang Chinese New Year ay nagkaroon ng kauna-unahang Photo and Video Walk ng Fujifilm Philippines kung saan ipapamalas ng mga bawat user ng Fujifilm ang kanilang aking galing gamit syempre ang kanilang Fujifilm camera. Ang maganda dito sa photo at video walk na ito ay madami ka talagang makikilala na users ng Fujifilm lalot pa kung pareho kayo ng unit naginagamit, kumbaga magkakaroon kayo ng mga palitan ng mga ideas at konsepto sa mga susunod na pagkakataon.

Isa marahil kung bakit ko naenjoy ng husto ang Chinese New Year Photowalk na ito ay dahil kasama mo ang FujiFilm XA3 Community Philippines namasasabi ko na ang swabe nila kasama dahil kung may mga hindi ka alam sa mga bagay-bagay sa kamera mo ay open silang turuan ka ng husto at maliban pa dito ay nagpapahiram sila ng mga lente na kailan mo kung sakali man.

Narito ang ilan sa aking kuhang larawan sa narakaang Chinese New Year FujiFilm Video and Photowalk.

Posted by AVG Ph on Tuesday, January 28, 2020

Ang naging tema pala ng Chinese New Year FujiFilm Video and Photowalk ay tradisyon.

Comments

comments