Lahat ng bagay sa mundo ay may kanya-kanyang silbi kahit na maliit na bagay man ito. Isa sa mga bagay na ito ay ang upuan akalain mo nga naman na ang isang upuan ay magiging isang espesyal na exhibit at malaki ang matutulong hindi lamang sa lumikha nito pati na rin sa magbibigyan ng benepisyo nito.

Oo dahil ang Visual Arts Helping Hands Foundation Inc. Presents Chapter 2: The Empty Chair Project isang programang ito ay naglalayon na tumulong sa iba’t ibang organisasyon katulad ng Anxiety and Depression Support Philippines, Buhay Movement, Silakbo and #MentalHealthPh malaking tulong ito para sa kanila dahil alam naman nating lahat na ang ganitong suliranin ay hindi basta basta lalo na sa mga kabataan na kailangan talaga ng matindi suporta hindi lamang para pamilya kundi pati na rin sa mga nakapaligid sa kanya.

Kaya naman ung naimbitahan ako para sa media launch ng Visual Arts Helping Hands Foundation Inc. Presents Chapter 2: The Empty Chair Project hindi na ako nagdalawang isip na na pumunta dahil isa ito sa mga paraan para mas mapalaganap ang ganitong klaseng proyekto na madami ang matutulungan.

Ang masaya lang sa media launch ay nabigyan ako ng pagkakataon na mainterview ang isa sa mga lumikha ng magandang artworks na upuan, ito walang iba kundi si Marc Aran Reyes.

Naikwento ni Marc Aran Reyes ang kanyang mga naging inspirasyon habang ginagawa nya ang upuan na ito. Tama nga naman sya madaming bagay tayo na hindi alam at alaala na nabubuo sa pag-upo lang sa upuan na iyon at ang mga alaala na iyon ay maaring makabuo ng maganda simula sa hinaharap.

Narito ang buong panayam ko kay Marc Aran Reyes para sa kanyang obra.

 

Kaya naman anu pa ang iyong hinihintay punta na tayo at sumuporta sa ganitong klaseng adbokasiya ng sining at malaki ang magiging ambag natin hindi lamang sa ating sarili kundi sa iba.

Opisyal na magbubukas ang Visual Arts Helping Hands Foundation Inc. Presents Chapter 2: The Empty Chair Project sa darating na 12 November 2019, Martes sa Metropolitan Museum Manila.

Comments

comments