Warner TV Pop Expo ay isa sa mga masasayang araw sa katulad ko na mahilig sa Warner TV series katulad ng Batman TV series pero isa sa mga naaadik ako na series ay ang Young Sheldon na talaga naman nagbigay ngiti sa bawat episode nito, sino hindi matutuwa sa palabas na yun na akala mo comedy at pambata pero kung susubaybay mo itong mabuti mas pangmature pa ito dahil sa daloy ng kwento.

Ito ang kauna-unahang kong experience sa Warner TV Pop Expo na ang saya pala talaga. Kakaiba sya sa lahat ng expo na napunta ko dahil libre ang entrance para sa lahat maging. kaya hindi rin ako nagtataka pa kung bakit madami tao ang dumalo sa araw na iyon.

Ito din ay araw para makabonding mo ang family o mga kabardaka mo dahil may palaro ang Warnet TV sa bawat Station nito na katumbas ng mga laro mo ay meron points at ung point na iyon ay pwede mo ipapalit sa receiving area katulad ng lootbag, mug, pin, poster na limited edition.

Maliban pa dito syempre meron din talks para sa mga mahilig sa mga comics at ang patok din ay ang pag pictures sa mga cosplayers katulad nina Batman, Flash, Wonder Woman at iba pa.

Nakakapagod ung araw na ito sapagakat kailan mo talaga makakuha ng madaming point para sa merchandise na gusto mo pero ang maganda dito masasaya ung mga palaro katulad ng parang arcade style, may photo booth, may pataan at madami pang iba.

Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit tumagal ng tatlong taon ang Warner TV Pop Expo at panigurado mas masaya, malawak at madaming palaro sa susunod na taon!

Comments

comments