Kahapon ng Enero 18, 202 sa ganap na 6 ng gabi ay opisyal pinakilala sa mundo ang isa sa mga likha ng nag-iisang prima ballerina ng bansa na si Ms. Lisa Macuja Elizalde, ang kanyang bersyon ng Sleeping Beauty Kung saan tanpok ang ilan sa mga mahuhusay na ballerina at ballerino na pinangungunahan nina Pia Dames bilang Aurora at Romeo Peralta bilang Philip.

Naganap ang World Premiere ng Ballet Manila present Lisa Macuja Elizalde’s Sleeping Beauty sa Newport Performing Arts Theater, Resort World Manila. Ito ang unang pagkakataon na lumabas ang Ballet Manila sa kanilang balwarteng tanghalan ng Aliw Theater at Star Theatre dahil sa nangyaring sunog nito.

Narito ang ilan sa mga eksena sa World Premiere of Ballet Manila present Lisa Macuja Elizalde’s Sleeping Beauty na kuha ng isang mahusay na photographer na si Ms. Erica Marquez – Jacinto.

Narito naman ang Curtains Call ng World Premiere of Ballet Manila present Lisa Macuja Elizalde’s Sleeping Beauty.

#TeatroPinas : Curtain Call | World Premiere of Ballet Manila Lisa Macuja Sleeping Beauty!

Posted by Teatro Pinas on Saturday, January 18, 2020

 

Mamaya na huling araw ng Ballet Manila present Lisa Macuja Elizalde’s Sleeping Beauty na gaganapin ng 3 PM kaya naman kung may pagkakataon ka huwag mo na itong palagpasin lalo likha ito ng isang mahusay na prima ballerina ng bansa na si Ms. Lisa Macuja Elizalde.

Comments

comments