26.1 C
Manila
Wednesday, May 18, 2022

Boto ni Dingdong Dantes nakalaan sa isang ina

- Advertisement (970x250 Desktop) -

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa isang madamdaming pahayag para sa mga ina bago ang Mother’s Day sa Linggo, nagdeklara ang aktor na si Dingdong Dantes na ang isang nanay ang kanyang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9.

- Advertisement (300x250) -

“Sa inyo po ang aking buong pagpupugay …ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” wika ni Dingdong sa isang video message kung saan nagpahayag siya ng pagmamahall sa kanyang ina.

“Tulad ninyong lahat, mahal ko ang Nanay ko. Pero hindi ko lubos matukoy kung bakit, hanggang masaksihan ko mismo sa asawa ko,” wika niya.

Sa video, binanggit ni Dingdong ang mga katangian ng isang mabuting ina, na pinoprotektahan ang mga anak sa panganib at inuuna ang kanilang kapakanan kaysa sa kanyang sarili.

“Kaytapang talaga ng mga Nanay. Handang makipaglaban, iharang sa peligro ang sariling katawan, makipagsapalaran, ipagpaliban ang sariling kapakanan. Walang aatrasan. Walang hamong sinusukuan. Ibang klaseng magmahal. Radikal!” wika niya.

Tinawag din niya ang mga ina bilang “miracle workers” dahil sa kanilang abilidad na pagkasyahin ang maliit na budget.

“Lahat ng sakit, naiinda. Pagkaing isusubo na lang, ibibigay pa sa mga anak niya. Prayoridad niyang umangat ang buhay ng mga mahal niya,” sabi pa niya.

Habang itinuturing ang mga ina bilang “ilaw ng tahanan”, sinabi ni Dingdong na karapat-dapat din silang tawaging “haligi ng tahanan” dahil sa dami ng kanilang ginagawa para sa pamilya.

“Inspirasyon namin siya para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Kaya buung-buo kong itataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya,” paliwanag ni Dingdong.

“Sana lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila,” dagdag pa niya.

Sinuportahan ni Dingdong ang kandidatura ni Leni Robredo bilang bise presidente noong 2016.

https://fb.watch/cPx7U-03Ti/

 

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -