25.7 C
Manila
Saturday, August 13, 2022

Jodi Sta. Maria na lumabas at magbahay-bahay para sa tatlong kandidato na pinaniniwalaan niya

- Advertisement (970x250 Desktop) -

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa paniwalang hindi ito ang panahon upang manahimik, nagpasya ang aktres na si Jodi Sta. Maria na lumabas at magbahay-bahay para sa tatlong kandidato na pinaniniwalaan niya.

- Advertisement (300x250) -

Kasama ang iba pang volunteers, nag-ikot si Jodi sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan at human rights lawyer Chel Diokno, na tumatakbo bilang pangulo, bise presidente at senador, ayon sa pagkakasunod.

“This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for,” wika niya.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Sta. Maria na hindi niya ginagawa ito para sa kanyang sarili kundi para sa mga Pilipino at para sa Pilipinas.

“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, etong mga bagay na ginawa, para sa Pilipinas,” aniya.

Nang tanungin kung bakit siya nagpasyang suportahan ang mga ito,  sinabi ni Sta. Maria na nakikita niya ang kanyang core values sa tatlong kandidato.

 “Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na naka-importante sa akin bilang tao,” paliwanag ni Jodi.

“Importante sa akin ang pagiging matapat, importante sa akin ang pagiging hardworking, importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat,” dugtong pa niya.

Nagpasalamat naman si Jodi sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Tumana.

“Nakakatuwa kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging mga suplado or hindi kami napansin pero they’re very open, they’re very open to listen to what we have to say,” wika niya.

Nagpahayag kamakailan si Sta. Maria ng suporta kay Atty. Chel sa pamamagitan ng post sa social media.

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -