Sabi nga nila ingatan mo ang iyong kalusugan sapagkat isa ito sa yaman na hindi basta basta nakukuha o nabibili ng sinuman. Totoo naman yun dahil kung malusog ka marami kang magagawa hindi lamang para sa iyong sarili pati na rin sa ibang tao lalo’t-lalo na sa iyong pamilya.
Alam naman natin lahat na sobrang mahalaga ang kalusugan ngayon lalo’t nasa pandemya pa tayo at mataas ang cases ng COVID19 sa ating bansa kaya kung maaari maging maingat sa bawat gagawin natin at kung lalabas man tayo ay sumunod tayo sa mga health protocol ng ating gobyerno. Syempre kumain na naaayon, mag-exercise, uminom ng maraming tubig at huwag kalimutan na mag vitamins na rin.
Dahil napag-usapan na rin nating ang kalusagan marapat na talakayin din natin ang puso. Isa sa mga mahalagang parte ng ating katawan dahil sa puso na ito maraming binibigay at halaga mula sa loob hanggang sa labas.
Nitong umaga lamang Hunyo 30, 2021 naimbitahan ako sa isang conference upang talakayin ang puso para sa ating mahal na ama, since buwan din ng ama ngayon hunyo. Nakakatuwa lamang sapagkat ang dami-dami ko rin natutunan sa conference na ito kahit sabihin natin na meron na tayong kaunting background patungkol sa puso.
Ang naging host ng programa na iyon ay walang iba kundi ang mahusay na doktor mula sa Philippine Heart Association, Inc na sina Dr. Don Robespierre Reyes and Dr. Luigi Pierre Segundo at naging panel ay sina Dr. Benjamin Quito, Dr. Jorge Sison at Dr. Rhodette Arevalo (cardiologist ni Richard Gomez sa Ormoc).
Gaano nga ba kaimportante ang puso sa isang tao? Kung tutuusin alam naman nating lahat kung bakit at gaano kaimportante ang puso pero parang hindi natin ito binibigyan ng pansin dahil lagi na lamang tayo may mga excuses, hindi ba? Lalong-lalo na sa ating mga ama o tatay kasi alam naman natin na kung kailan masakit na doon pa lamang sila nagsasabi o magpapacheck up sa doktor. Pero sabi nga ng mga doktor na nasa Philippine Heart Association dapat lagi tayo nagpapacheck up lalo-lalo na ung mga nasa edad 40 pataas para malamang ung anu na nga ba ang lagay ng katawan.
Pero isa sa mga nakakabahala sa akin ay pababa na pababa ang nagkakaroon ng hypertension kung saan isa ito sa mga sanhi upang magkaroon ng sakit sa puso ang isang tao. Ayun mismo kay Dr. Jorgoe Sison nasa 30 yrs old pa lamang ay meron ng hypertension. Marahil isa sa mga sanhi nito ay ang hindi naayon na lifestyle dahil alam naman nating lahat na digital era na ngayon at mostly ilan sa mga activities na ginawa natin ay online na lalo’t pa ngayon na pandemic bibira na lamang nakakalabas.
Pero nasabi din ng mga doktor na kahit na simple work-out lamang ay malaking tulong na iyon hindi naman kailangan na lumabas para lang masabi na nagwork-out ka, ilan sa mga maaring gawing work-out ay maglakad-lakad sa paligid ng bahay, push-up, seat-up o hindi naman kaya ay simpleng paglilinis ng bahay.
Nabanggit din ni Dr. Jorge Sison kung maari ay palaging magcheck ng blood pressure tuwing umaga pero huwag naman ung pagkatapos kumain o ng work-our mainam na gawin ito bago mga isang oras bago simulan ang gawin.
May nagtanong kung epektibo ba ang digital blood pressure machine/monitor kumpara sa manual blood pressure monitor, sabi ni Dr. Jorge Sison “parehas naman na maganda at epektibo ang dalawang ito pero sa digital magalaw lamang ung numero kailan mo maghintay 2 to 3 sec para sa measurement. ”
Paano nga ba maiiwasana ang pagkakaroon ng sakit sa puso ang isang tao, itong mga nabanggit ay mga naalala ko na lamang kung mga kulang maari mag-sabi sa comment section para maidagdag na rin natin at makatulong na rin sa iba.
Regular exercise, not smoking or drinking excessively, achieving and maintaining a healthy weight, and eating a heart-healthy well-balanced diet.
Anu-anu naman ung mga senyales na maaring meron ka ng problema sa puso?
Mabilis mapagod o mahingal, chest pain at palpitation.Â
Pero nabanggit din ni Dr. Luigi Pierre Segundo na ang palpitation ay di normal pero di rin delikado kaya mas importante na mag pacheck up para makita kung anu nga ba ang mas malalim na sanhi ng palpitation.
Kung tutuusin talaga ang hirap maiwasan ang ganitong klaseng sakit dahil base na rin sa data na nakalap ng Philippine Heart Association, Inc ang madalas tamaan nito ay ang mga lalaki. Dahil na rin sa lifestyle na meron ito at hindi rin kaagad na pagsabi ng kanilang nararamdam.
Kagaya ng laging sinasabi ng mga doktor simpleng aray lang ang iyong nararamdam magpakonsulta na agad dahil hindi mo alam sa simpleng aray na iyong ay meron ka na pa lang sakit sa puso na mahirap na agapan pa at mas lalong magastos sa bandang huli kung di ka agad nagpacheck-up.
Muli maraming salamat sa Philippine Heart Association, Inc sa kanilang imbitasyon para dito sa forum na ito, ang dami dami kung nalaman at sana kayo din dahil kahit paano ay naibahagi ko din sa inyo kung gaano kahalaga ang ating puso.
Para sa iba pang mga impormasyon para sa ating puso maari pumunta sa kanilang website na https://www.philheart.org/ o hindi naman kaya sa facebook page https://www.facebook.com/philheart.org