
Sabi nga nila ang laruan ay hindi lamang para sa mga bata kundi para din ito sa lahat mula sa pusong bata, sa mga mahihilig nag kolekta o maging pang display lang sa kwarto o sa sala ng bahay mo.
Isa sa lagi ko inaabangan tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo ay walang iba kundi ang Toycon, dahil sa ToyCon ang dami ko nakikita mga laruan na nakikita ko noong bata pa lamang ako mula sa mga happy meal o kiddie meal o maging sa mga kilalang mga laruan mula sa iba’t-ibang mga bansa.
Isa din sa mga dahilan ko kung bakit tuwang-tuwa ako tuwing ToyCon ay dahil nabubudol ako sa mga bagong Doraemon ko, opo isa po ako sa mga mahilig magkolekta ng mga laruan at isa na doon ang doon ang Doraemon marahil dahil isa ito sa mga naging paborito kong cartoon noon, syempre pag paborito mo ito dapat meron ka di ba? Pero dahil di naman tayo mayaman hanggang tingin na lang tayo noon, kaya naman noong nakaroon na ako ng trabaho ay isa sa mga binili ko ang doraemon.
Narito ang ilan sa mga makikita mo sa Toycon 2025 na ginanap sa MOA SMX Convention Center – Manila.

So paano hanggang sa susunod na Toycon na lang uli!



