Unlocking Your Health Goals with Sun Life

0
638

Sabi nga nila minsan ka lang mabuhay sa mundo dapat sulitin mo na at bigyan mo ito ng halaga.

Nakakatuwa lang na naimbitahan tayo muli sa isang Sun Life Session nitong mga nakaraan at tinalakay nila dito ang importansya ng pagkakaroon ng health insurance at tamang budget lalo na sa pahanon ngayon na alam naman natin higit na kailan dahil nasa pandemya pa rin tayo.

Ang naging paksa ng Sun Life Session na ito ay Sun Talks: Unlocking Your Health Goals sa pangunguna ni Francesca Tolentino, Affinity Partnership Manager, Health and Accident Team of Sun Life at ni Garett Maralit, Multi-awarded Financial Advisor and Sales Manager.

Natuwa ako nung nalaman ko na ito ang magiging paksa dahil napapanahon lalo na ngayon na ang hiram na kumita ng pera dahil sa taas ng inflation ng atin bansa at huwag mo din kalimutan na nasa pandemic pa rin tayo lalo’t na ngayon na unti-unti na naman tumaas ang cases sa atin bansa.

Sinimulan ni Ms Francesca Tolentino ang session sa isang kwento kung bakit kailan ng isang simpleng mamayaman ng isang health insurance kahit sabihin mo na mababa lamang ang kukunin mo. Kasi naranasan ng kanyang pamilya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang health insurance biruin mo yun kahit ang dami mo assets katulad ng bahay, lupa, kotse o negosyo ay mawawala lamang yun ng isang pitik lamang dahil sa maospital ang kanyang magulang at alam naman natin lahat na ang gastos maospital, paano pa kaya sa kanila na cancer pa kaya naman panigurado ang dami gastos nito mula sa mga session at gamot, hindi ba?

Kaya naman habang kaya pa natin bigyan natin ng halaga ang ating sariling pagdating sa health insurance dahil hindi naman para sa iyo lamang ito kundi para din sa inyong pamilya. Lalo’t na sa panahon ngayon na ang hirap humugot ng malaking pera sa bangko lalo’t kung madaling araw naganap ang hindi inaasahan na pangyayari hindi ba?

Pero kung meron kang health insurance apaka laking tulong nito sapagkat isang tawag mo lang sa kanila ay agad-agad gagawa na ng aksyon para matulungan na nila.

Ang naging paksa naman ni sir Garett Maralit patungkol sa budgeting, paano kung kulang o wala ka naman sapat na pera para kumuha ng health insurance kasi alam naman natin na hindi lahat kaya kumuha dahil ang dami nga bayarin lalo’t na kung pamilyado ka na tao.

Pero isa sa mga natutunan ko sa talks nito dahil alam mo paano bigyan ng halaga ang pera na pumapasok sa iyo at kung kaya mo gumawa ng ibang paraan para madagdagan ang savings mo gawin mo? Kasi hindi naman pwede na isang source lang ang pumapasok sa atin lalo’t pa gaya ng nasabi ko kanina bawat buwan tumataas ng inflation natin pero yung pera pumapasok hindi.

Kaya naman dito pumapasok ang Financial Adviser katulad ni Sir Garett Maralit dahil pag-uusapan ninyo kung paano nga ba gagawin sa mga pera na meron ka ngayon at ang Financial adviser na din mismo ang magsasabi sa iyo kung aling health insurance ang nababagay sa iyo base sa estado ng iyong pananalapi.

Ilan sa mga health insurance package na meron ang Sun Life Insurance ay ang mga sumusunod : SUN Fit and Well, SUN Senior Care, SUN Cancer Care, Sun LifeAssure, SUN Healthier Life, Sun First Aid, Sun Maiden and Sun Maiden Plus at Sun ICU Protect . 

Kaya naman panigurado na abot kaya mo ang ilan sa mga health insurance na meron ang Sun Life at kung kaya mo hanggat maaga kumuha ka na sa mga package na meron sila dahil ang pagkakaroon ng sakit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay mahirap lalo’t kung wala kang pagkukunan ng pera ng biglaan.

Narito ang buong coverage ng  Sun Talks: Unlocking Your Health Goals

Para sa iba pang katanungan patungkol sa health insurance ng Sun Life pumunta lamang sa https://www.sunlife.com.ph/en/insurance/health-protection/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here