29.3 C
Manila
Sunday, November 27, 2022

Virrco launched a limited-edition line of bags to raise funds for Smile Train

AXLPOWERHOUSE.COM

Virrco launched a limited-edition line of bags to raise funds for Smile Train

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry
- Advertisement -

Pormal ng inilunsad sa media ang naging obra ng Virrco, ang bag brand kung saan tampok ang imahe ng isang magandang binibini na may isang mata at may cleft.

Ang imahe na ito ay sumisimbolo ng iisang bisyon upang makatulong sa abot ng kanyang makakaya, kahit sa simpleng paraan at pagkakataon.

Ang pondong malilikom sa pagbenta ng Virrco Bags ay mapupunta sa Train Smile Foundation Philippines kung saan makakatulong ito ng malaki upang mapaayos ang cleft at cleft palate ng ilang kabataan.

Noong narinig ko ang Train Smile Foundation Philippines sabi ko parang familiar sa akin ang pangalan na yun, yun pala isa pala ang partner center nila ang Philippine Band of Mercy sa may Quezon Ave, Quezon City kung saan nagkaroon ako ng ikalawang pagkakataon para maayos ang aking cleft. Nakakatuwa lang ung nalaman ko na ang magiging beneficiary ng bagong likha ng Virrco na bag ay ang Train Smile Foundation Philippine.

Alam naman natin lahat na hindi basta-basta ang pagkakaroon ng isang clef at clef palate  dahil malaki ang magiging impact nila sa isang tao habang sya ay lumalaki lalo sa mundo ng puno ng mapaghusga, hindi ba?

Aminin ninyo pisikal na anyo pa rin ang nagiging labanan ng mundo na ito kahit na mahusay ka sa lahat ng larangan, hindi ba? Mabuti na lamang ay andyan ang Train Smile Foundation Philippine kung saan hindi lamang isang beses na tulong ang kanilang gagawin kundi pangmatagalan talaga. Kung inaakala ninyo na pagkatapos ng isang operasyon yun na hindi. Sapagkat hindi doon natatapos ang lahat dahil kailan magkaroon ng dental care, speech theraphy mental health counseling at iba pa.

kaya nga malaking tulong ang ginawa nito ni Virrco dahil alam naman natin na hindi mura ang bawat operasyon sa mga ganitong klaseng kondinsyon lalo’t pa madaming check-up ang kailangan gawin pagkatapos ng isang operasyon.

Sa mga ganitong pagkaktaon ito ang dapat bigyan pansin at suporta ng ating mga kababayan sapagkat sa pagbili mo ng isang bag ay malaking impact na ang magagawa mo hindi lamang sa Train Smile Foundation Philippine pati na rin sa artist nito at sa mga natutulungan ng Virrco.

Alam ninyo ba na hindi lamang ang Train Smile Foundation Philippine ang tinutulungan nila pati na rin ang may people living with HIV.

 

Narito ang full video sa nakaraan launch ng Virrco bag at naikwento dito kung paano nga ba nagsimula ang Virrco.

Ang Viccro Bags ay naglalaro sa halagang Php700 at Php1000.

- Advertisement (300x250) -

Latest News

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -