Monday, January 27, 2025

Discover the Importance of Heritage in Kawit, Cavite

Discover the Importance of Heritage in Kawit, Cavite

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isa ang Kawit, Cavite ang may malaking ambag sa kasaysay ng ating bansa na masasabi nating na ilan sa mga importante pangyayari sa bansa ay doon naganap.

Sino nga ba ang hindi nakakaalam na sa Kawit, Cavite unang iwinagayway ang watawat ng Republika ng Pilipinas at dito rin sa Kawit naganap ang ilan sa mga kontrobersyal na pangyayari noong unang halalan para sa Republika.

Sa ngayon kilala ang Kawit, Cavite dahil sa angking ganda at mayabong na kasaysayan na ito, kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit madami pumupunta dito upang makita ang ilan sa mga sikat na makasaysayang lugar ng Kawit, Cavite.

Tara samahan ninyo akong tuklasin muli ang ilan sa mga mahahalagang kasaysayan na bumabalot dito at ilan sa mga natitirang pamana ng Kawit, Cavite para sa bayan.

BALMERO SHRINE

Ang BALMERO Shrine o Balmero Aguinaldo Museum ay isa sa pinagmamalaki ng Kawit, Cavite matatagpuan ang museo na ito sa Binakayan. Ang bahay na ito ay itinayo noong 1906 kung saan dito namalagi ng kaanak ni Balmero Aguinalo.
Si Balmero Aguinaldo ay pinsang buo ni dating Presidente Emilio Aguinaldo at naging leader ng itinatag na Chapter ng Katipunan sa Cavite na tinawag nilang Magdalo.

Ang maganda pa sa Balmero Shrine ay libre ka makakapunta hindi mo kailan magbayad pa ng entrance fee at makilala mo pa ng husto ang nakapaloob na kasaysayan ng bahay at ang nakatira dito.

AGUINALO SHRINE

Ang Aguinaldo Shrine, sino nga ba ang hindi nakakaalam ng Aguinaldo Shrine na ito nasa elementary pa lamang tayo ay alam na alam na natin lahat ito. Pero para sa mga kabataan ngayon marahil ay wala silang masyado idea na ang Aguinaldo Shrine ay hindi lamang isang malaking mansion sa Kawit, Cavite kundi mansion na puno ng mga sikreto mula sa mga naganap na kasaysayan, mga piging at higit sa lahat ay madaming mga sekretong lagusan sa bawat bahay at taguan ng mga armas na hindi mo akalain na meron talaga. Ang Aguinaldo Shrine din ang makikita ang nag-iisang mano-manong bowling alley sa Cavite na kung saan literal na mano-manong itong tinatayo. Dito rin makikita ang ilan sa mga importante bagay na ginamit noong panahon ng mga Kastila sa pakikidigma at ilan sa mga medisina na ginamit Kay Emilio Aguinaldo sa kanyang huling sandali.

BISUGO’S EATERY

Hindi makukumpleto ang masayang pamamasyal mo sa Kawit, Cavite kung hindi mo natikman ang isa sa masasarap ba delicacies ng Kawit, Cavite ang puto-bumbong na gawa ng Bisugo’s Eatery na akala ko ung una ay tindahan sila ng mga isda un para isang masarap na kakanin pala at ang maganda talaga sa kanila gumagamit sila ng muscovado sugar na nagbibigay ng tamang tamis sa puto-bumbong nito at sasamahan pa ng isang hot pandan tea na doon ko lang nalaman na perfect combination pala ito.

PANDAYAN

Isa din sa pinagmamalaki ng Kawit, Cavite ay ang nag-iisa na lamang na manu-manong pagpapanday sa buong Cavite dahil na rin siguro sa makabagong panahon ngayon at isa din sa nakakalungkot ay dalawa na lamang silang nagawa nito, Kaya naman dapat bigyan talaga natin ang mga ganitong bagay lalo’t pa na sa Pandayan kumukuha ng mga armas ang ating mga Katipunero noong araw at naging malaking parte ng kasaysayan ang Pandayan hindi lamang sa Kawit kundi sa ating bansa.

SAINT MARY MAGDALENE CHURCH

St. Mary Magdalene Church of Kawit or mas kilala bilang Simbahan ng Kawit. Isa ito sa pinakamatandang simbahan sa buong Cavite at maging sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1624 kung nasa pangangalaga ito ng mga Heswita. Ang isa sa mga interesting fact sa St. Mary Magdalene Parish, Kawit Church ay dito nakalibing ang puntod ng yumaong ama ni dating Presidente Aguinaldo at dito rin nabinyagan ni Presidente Aguinaldo noong
1869.

LIWASANG AGUINALDO CHRISTMAS LIGHTING

Isa sa laging inaabangan sa Liwasang Aguinaldo pagsasabit na ang kapaskuhan ay ang magandang na maliwanag na Christmas Lighting at isang 3D mapping sa Aguinaldo Shrine. Kung sa Makati merong Ayala Triangle Christmas Lighting papahuli pa ba ang Kawit, Cavite dito syempre hindi ang maganda sa kanila Christmas Lighting ay maaliwalas at ramdam mo lalo ang kapaskuhan dahil maliban sa pailaw ay meron din sa paligid sa nagbenta kakain at palamig kumbaga kumpleto rekados ka na dito di mo na kailan pa pumunta sa ibang lugar para lang mag Christmas Lighting.

Kaya naman kung balak mo pumunta ng Kawit, Cavite ito ang tamang panahon dahil  hindi masyadong mainit ang panahon at maliban sa nakakadagdag kaaalaman ka pa sa kasaysayan at magkikita mo pa kung gaano pinahalaga ng mga Kabiteño ang kailang kasaysayan.