Sabi nga nila habang andito ka sa mundong ibabaw gawin mo ang lahat ng magagawa mo para wala kang pagsisihan sa bandang ulo, ika nga nila minsa lang ang buhay dapat mo itong sulitin dahil hindi na ito mauulit pa kailan pa man.

Isa sa mga interesanteng pelikula sa taon 2019 ng Pista ng Pelikulang Pilipino o mas kilala bilang PPP ay ang “Lola Igna” isang kwento na tumatalakay sa selebrasyon ng buhay, isang buhay na hindi mawari kung kailan pa nga ba kumapit o bibitaw na sa dami ng pagsubok na dumaan sa buhay. Lalo  na sa panahon ngayon na hindi ko alam kung kailan ka bibitaw sa dahil ng mga suliranin na inyong haharapin.

Ang Lola Igna ay ginawa at dinirek ng isang mahusay na director kung saan sya din ang gumawa ng mga award winning movies na katulad ng Bahay Bata, Quick Change, Pamilya Ordinaryo, Last Fool Show at F Bois sino pa nga ba kundi si Direk Eduardo Roy, Jr. hindi na ako magugulat pa kung maganda nga ba ang pelikulang ito sapagkat sa mga nakalipas na pelikulang kanyang ginawa ay hindi nya ako binigo sa mga kakaibang treatment nya sa paggawa kaya naman dito sa Lola Igna nakakasigurado ako na may kirot ito sa puso at kaluluwa nating lahat lalo na sa mga lumaki sa Lola hindi ba?

Nitong nakaraang araw lamang ay naimbitahan akong dumalo sa kanilang media conference upang ipakilala ng husto kung anu nga ba ang Lola Igna maliban pa dito nakakatuwa lamang dahil ang Lola Igna ang gaganapin ng isang mahusay na magaling na beteranong aktress na si Angie Ferro.

Kaya naman naitanong kay Ms Angie Ferro kung napressure pa nga ba sya sa ganitong uri ng festival, ayun mismo kay Ms Angie Ferro “Natutuwa ako na may pelikula ako, nalulungkot ako pagwala akong pelikula kasi ang isang aktress dapat umarte? Marami tayong  magagandang pelikula napabayaan, hindi ninyo ba alam kung gaano kagagaling ang mga matatandang mga artista?” dagdag pa nya “hindi ako napressure hindi naman ako naparoon para mangarap kumuha ng awards, gusto ko ng trabaho ako masaya ako.”

Narito ang kabuaang video interview patungkol sa Lola Igna kasama si Angie Ferro bilang Lola Igna at Yves Flores at Royce Cabrera.

Mapapanood ang Lola Igna simula sa darating na September 13-19 2019 sa mga piling sinehan sa buong bansa.

Comments

comments