Wednesday, December 4, 2024

Rommel Rico launch a virtual exhibit billed “SALAMAT FRONTLINERS”

Rommel Rico launch a virtual exhibit billed “SALAMAT FRONTLINERS”

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila ang talento ay hindi dapat tinatago lamang dapat nilalabas mo ito para mas madami matuwa at maari din maging instrumento ito para makatulong ka sa ibang tao hindi lamang para sa iyong sarili hindi ba? Iyan ang ginawa ng isang mahusay at magaling na Pinoy pintor na nasa New York na ngayon, sino ba itong tinutukoy ko walang iba kundi ang nag-iisang Rommel Rico.

Kaya naman noong nalaman ko na magkakaroon sya ng ganitong exhibit aba’y dapat suportahan natin kahit sa ganitong paraan lamang sapagkat malaking tulong na din ito lalo na ngaun na ang bilis bilis ng mga balita dahil sa social media. Kaya bilang isang kaibigan na tinanong ko na rin sya patungkol sa gagawin nyang virtual arts exhibit.

Narito ang aking naging panayam sa kanya.

Paano ka nag simula ng painting at sino ang inspirasyon mo?
Rommel: Ang pinakuna ko na painting ay isang œil pastel on felt paper ng 4th year highschool.si Jesus on the cross ang subject, mukha nya na may koronang tinik.

Sino ang unang tumangkilik sa iyong gawa?
Rommel: Ang teacher ko ng 4th year sa drafting requested na iwanan ko sa classroom ang paint ni Jesus para maging inspiration ng mga susunod na batches…

Itong salamat frontliner paano ito nabuo?
Rommel: Ang UP College of Medicine Class of 1997 ay lumapit para magpagawa ng artwork para sa merchandise para sa kanilang fundraising. Magkakaroon sila ng reunion sa 2022 . Nakabuo ko ang 14 na artwork and I suggested to come up with exhibit na sinang ayunan naman nila. Nagkataon na ipapakilala din ako ng FilAmarts na based sa California at sila ay nakipagtulongan din para matuloy ang virtual exhibit.

Kaya naman sa darating na araw ng kalayaan June 12, 2021 sa ganap na 11 AM sabay sabay natin tunghayan ang isang virtual launch ni Rommel Rico para sa ating Frontliners makakasama din sa virtual launch na ito ang ilan sa mga sikat na personalidad katulad nila Giselle Tongi, Sheryn Régis at Jérôme Amanquiton

Kaya naman suportahan natin ang sariling atin para mas lalo yumabong ang ating sining hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa tao.

Para sa virtual launch na ito tumungo lamang sa https://www.facebook.com/events/178671730789489/?ref=newsfeed  

Kita-kits tayo ah!