Pagkatapos ng mahaba-habang paghihintay ng madla ay sa wakas nagkaroon na rin ng panibagong teatro sa complex ng Cultural Center of the Philippines, ang Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater.
Tamang-tama din ang pagbubukas ng Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater sapagkat pagkakaroon ng major renovation ang main building ng CCP kung saan mahigit 50 yrs na at sa aking tingin naman ay mainam na mas maayos at maganda pa nila ito ng husto sapagkat ang dami-dami na rin naglalabasan ng mga bagong at modernong teatro sa Mega Manila at kung titignan mo ang mga ito ay talaga naman mapapamangha ka sa ganda ng gusali mula sa labas at loob nito samahan mo pa ng maaliwalas n ambiance nito.
Kaya naman di na nakapagkakataka pa kung bakit bibihira na lamang ang mamalaking produksyon ang meron sa CCP mula sa mga international theater production pero syempre hindi pa rin naman matatawaran ang husay at galing ng Pinoy pag dating sa larangan ng paggawa sa teatro mula sa mga mahuhusay na aktor at behind the scene nito. Kaya nagkakaroon ng rerun o repeat ang ilan sa mga CCP theater production at hindi lamang yun sapagkat sa CCP mo lamang din makikita ang Cinemalaya Film Festival, iba ang pakiramdam kung doon mo napapanood ang ilan sa mga mahuhusay na gawa ng ating kapwa Pilipino.
Kaya sa pagbubukas ng Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater panigurado mas madaming tatangkilik ng husto sa teatro mula sa masa hanggang mga kilalang tao sa lipunan.
Narito ang ilan sa mga larawan na naganap kanina Sept 08, 2022 sa pagbubukas ng Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater na kuha ni SJ Pamorada.
Excited na ako masilayan at makapanood ng play / musical sa Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater lalo’t pa balita ka nasa 320 seats ang pwede dito. Tamang-tama ito para sa isang intimate show para mas lalo mo maramdaman ang palabas, ang balita ko pa ang unang produksyon na gagamitin nito ay ang Tanghalang Pilipino para sa kanilang 36th Season, ang ANAK DATU na mapapanood na sa darating na September 16 hanggang October 9, 2022.
So paano kita-kits tayo sa Tanghalang Ignacio Gimenez o Black Box Theater.