Yung comedy noon ginagamit pa rin naman ngayon, its just because available na yung international scene somehow we compare the humor to them and pagkinukumpara mo yung comedy mo sa tao you want to undertood what we have at pagnaintindihan mo na yung humor nila, ay gusto ko din ng ganun humor, so nag evolve tayo in the global sense of humor. For the sample Comedy Manila stand-up now performing in Singapore pag nag performe na sila doon automatic english ang piyesya nila, so minsan yung una meron tayo, wala di nila maintindihan yung humor natin kahit translate natin may ganun tayo dati, totoo naman pag translate eh ngayon, pag translate mo yung humor nag adjust yung utak mo kasi aware ka na kung anu ung humor ng buong mundo, nag-aadjust ka na sa punchline mo, so ganun nag-eevolve sya ngayon dahil nag-iisip na yung mga tao, alam na nila yung satire but ofcourse yung foundation natin yung mga legend na sina Dolphy.
Yan ang naging sagot nila Jerald Napoles noon natanung nya kung paanon nga ba nag-evolve ang comedy noon tsaka ngayon. Nakakatuwan lang marinig ang ganun sagot mula sa isang mahusay na comedyante sa panahon ngayon lalo’t pa alam naman natin recently nagkaroon ng kontrobersya ang ilan sa mga komedyante ngayon sa social media lalo na yung na sa stand-up comedy.
Ang isa lang sa natutunayan ko sa interview na ito ay dapat talaga maging open tayo sa lahat ng bagay at pagkakataon lalo’t pa iba na din ang nagiging takbo ng panahon ngayon dahil na rin sa social media.
Dahil na rin sa social media ay nakikilala na rin naman tayo sa iba’t-ibang parte ng mundo at isa na dito ay ang kakaroon ng international series ni Jerald Napoles kasama ng mga mahuhusay na komedyante at kilalang artista ng Pilipinas katulad nila Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Andrea Brillantes, Jerald Napoles, Cai Cortez, Awra Briguela, Justine Luzares at Drew Arellano
Ang pamagat ng international series na ito ay walang iba kundi Comedy Island Philippines kung kauna-unahan at kakaibang series sapagkat kalahating scripted at hindi scripted ang nasabing series kaya naman panigurado kayong sasakit ang tyan natin nito pagpinanood, ang isa pang maganda sa series na ito ay parang kumbinasyon ng Surviror at Extra Challenge ang datingan ng Comedy Island Philippines.
Kaya naman kung gusto mong tumawa at maging feel good ang araw mo huwag mong papalagpasin ang Comedy Island Philippines na mapapanood sa Prime Video Philippines.