Sunday, November 24, 2024

Learnings in 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show

Learnings in 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila lahat dapat tayo maging responsoble lalong-lalo na kung ang pag-uusapan natin ay ang baril. Sapagkat alam naman natin lahat na hindi naman ito basta-basta dapat alam natin kung para saan ito gagamitin at kailan ito gagamitin

Nitong nakaraan lamang ay umattend ako ng isang session o show patungkol sa baril na inorganisa ng 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show kung saan dinaluhan ito ng mga matataas na opisyal ng kapulisan ng Pilipinas at ang naging panahuin pangdangal nila ay walang iba kundi si Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kung saan tinalakay niya ang pagpapalawig ng lisensya ng mga baril upang mahikayan ang mga may baril na magparehistro para na din sa kanilang kapakanan at para madali na rin malaman kung may malaking sindikato ba sa mga illegal na paggamit ng baril lalo na sa mga laganap na krimen sa ating bansa.

Narito ang ilan sa mga highlights ng speech ng mga Heneral ng Pulisan sa nakaraang 27th AFAD Defense & Sporting Arms Show.

Hindi ko nga akalain na malaking industry pala talaga ang baril sa ating bansa sapagkat noong araw din na iyon ay madaming mga tao sa show halos di rin mahulugan ng karayom. Isa din sa dahilan ay andun na ang mga supplier mula sa baril, bala, damit at iba mga accessories para sa baril. At isa pa malaki din ung mga discount na meron sila. Kaya kung hobby ko lang talaga yung mga ganito hindi ito dapat pinapalagpas.