Thursday, January 23, 2025

Brighter Life in 30s

Brighter Life in 30s

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila pag nagtuntung ka nasa edad na 30s kailangan alam mo na ang dapat mong gawin mo sa buhay kumbaga meron ka ng goal na tatahakin lalo na sa iyong pagtanda.

Kaya kailangan meron kang mga iba’t-ibang mga pinansyal na pamumuhunan katulad lamang ng hindi pagtitiwala sa lahat ng ari-arian sa iisang negosyo lamang at pagtitiyak na meron ka din sapat na ipon para sa iyong kalusagan at sa iyong emergengy funds.

Paano mo ito gagawin simple lang naman sa pamamagitan ng paglagay ng iyong pondo sa iba’t-ibang oportunidad katulad na lamang sa mga stocks, bonds at real states, kaya meron mga huhugutin pagkailangan mo pagdating ng panahon lalo’t pa hindi mo alam ang lagay ng ating ekonomiya ngayon kaya mas mainam na meron ka mga iba’t-ibang mga opsyon pagdating ng araw.

Ang bawat dahilan kung bakit kailangan mo ilagay sa iba’t-ibang opurtunidad ay para sa pangmatagalan na solusyon kasi ang iba sa mga yan ay taon pa ang iyong bibilingan para lamang makita mo kung gaano kalaki na nga ba ang investment na meron ka pero syempre dahil ga sa inflation sa ating bansa ung laki ng investment na meron na yan ang maaring mangkulang dahil sa taas na ng mga bilihin pagdating ng mga ilan taon hindi ba?

So paano na ikaw, anung nagagawin mo kung nasa 30s ka na ngayon simple lang naman kagaya nga ng laking sinasabi ng mga financial expert bilhin mo lamang ang importante at kung may matitira kahit kaunti lamang ay kagad ilagay mo na sa mga investment na aking nabanggit kasi kahit sa maliit ng halaga na yan kung hiwalay naman ang paglalagay mo panigurado malaking tulong yan sa iyo sa darating na panahon.

Kaya naman nakakatuwa talaga na tuwing umattend ako ng SUn Life Session ang dami dami ko natutunan, nitong nakaraan lamang ay napag-usapan ang SunTalks Digital Media Edition “Achieving Your Own Brighter Life”, na ang insurance ay para sa liit mula sa maliit kita ng isang mamayan hanggang sa sikat o kilala o mayaman. Dahil ang laki ng magiging ambag nito sa hinaharap. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanila during the session ay itinuro sa amin ang target amount na kailangan natin para sa gusto namin kunin halimbawa na lanng kung gusto namin kumuha ng house and lot kung ang presyo na iyon ay nasa 5 Million magkano dapat ang kailangan para makuha iyo at ilang taon bago mo makuha kasama na dito ang kaunting adjustment dahil nga sa inflation.

Doon pa lang makikita mo na at malalaman mo na sa sarili na dahil bawat pera dumadaan sa iyong kamay ay hindi lamang parang isang bula na bigla na lang nawawala dahil sa mga bayarin. Kung maari hindi lamang bayarin ang pinag-tutuunan ng pansin kundi ang ating kinabukasan.

Kaya kung may mga goal ka sa buhay wag ka lamang basta mangarap at umasa sa mga taong tutulong sa iyo oara makuha mo ang mga bagay mna iyon. Para sa akin dapata alam mo ung end goal mo sa buhay hanggang sa retirement even hanggang sa mamatay kasi mahirap maiwan ang mga pamilya mo sa buhay na napakaraming iisipin lalo na sa panahon ngaun na angdami-daming nangyayari at minsan hindi mo alam kung sino nga ba ang pagkakatiwalaan mo, hindi ba? Kaya dapat maliban sa alagaan mo rin ang sarili mo mula sa internal o external kailangan alagaan mo din ang bulsa mo.

Dahil aminin man natin o hindi malaking factor ang finance sa ating buhay, hindi porke mahirap ka lamang ay wala ka ng magagawa para mas mapaunlad ang kalidad ng buhay na meron ka para sa hinaharap, hindi ba?

Isa sa na mga pwede halimbawa dito ang ilan sa mga millionaire ngayon na nasa 30s ay doon pa lamang nila na didiscover o mas tamang sabihin nakikila ang sarili nila kung anu nga ba ang gusto nilang tahakin na landas.

Kaya ikaw wag mo lamang basta-basta ilagay sa bank ang pera mo, oo safe sya doon pero nakapaliit lang ng tubo na mabibigay nila pagkailangan mo sa hinaharap kailangan madami kang assets na pangkuhaan. Pwede ka magtayo ng simple negosyo na papaikutin mo hanggang sa lumago, kasama sa paglago na dahil meron kang mga insurance mula sa health at dead or iba pa katulad nito para mas malawak ang maging sakop nito.

Isa din sa mga masasabi ko benefits ng insurance ay walang tax na kailangan bayarin na alam naman natin lahat na isa yan sa mahirap gawin lalo na pagdating sa mga papeles, hindi ba?

Kaya kung kaya kuha ka ng insurance kahit ung yearly lang para alam mo safe ka at ang pamilya mo. Lalo’t na nasa 30s ka na!