Huwag ninyong kalimutan na meron kayong representative sa House of Representative lalong-lalo na sa kalusugan pwede tayong makatulog sa medikal ninyo at lalong lalo na nasa Heart Center, Kidney Center at PGH, huwag kayong nahihiyang lumapit sa akin kung may maitutulong ako sa inyo.
Pangalawa sa edukasyon, magtatayo tayo ng scholarship program para sa mga deserving student na gustong mag-aral sa mga kilalang prime University basta siguraduhin lamang na pumasa ito sa entrance exam at pangtatlo ang isa sa mga importante programa ko ay ang infrastructure, ofcourse we join on the President Build, Build, Build Program, lalo na sa Boracay na nagbibigay ng up to 52 Billion sa National Budget sa government noong di pa ito na naipapasara para iasaayos.
Ayan ang naging pahayag ng bagong upong Congressman ng Aklan na si Congressman Teodorico “Nonong” Haresco.
Nakakatuwa lamang dahil hindi sya nakalimot sa kanyang mga tigasuporta pagkatapos niyang manalo nitong nakaraan eleksyon kung saan naging malaki ang kanyang lamang sa labanan. Marahil dahil na rin ito sa ipinapakita at magandang plataporma niya hindi lamang sa kanyang mga kababayan sa Aklan kundi pati na rin sa karatig probinsya nito at maging sa malayong lugar.
Isa rin sa mga naging plataporma niya ay ang kakaroon ng isang maganda simulaan sa negosyo kung saan alam namin natin lahat na isa itong paraan para mas makadagdag kita sa pamilya at sa sarili.
Kaya naman di na nakapagtataka pa kung darating ang araw na mas magiging mas lubos na maaayos at marangya ang buhay ng mga tiga Aklan dahil sa malasakit ni Congressman Teodorico “Nonong” Haresco.