Thursday, January 9, 2025

Dalgona Coffee Recipe

Dalgona Coffee Recipe

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

May bago na naman nauuso na kape ngayon sa social media, ito ay walang iba kundi ang Dalgona Coffee.

Naging hype or craze ang Dalgona Coffee dahil sa isang series na pinalabas sa isang online streaming kung saan pinakita dito ang kanilang version ng Dalgona.

Syempre dahil mahilig ang Pinoy SA kakaiba at samahan pa ng isang Korean series panigurado papatok ito ay ayun patok na patok nga at sunod-sunod na ang nakikita ko nito sa social media maging ang mga content creators ay gumawa na rin ng sarili nilang version nito meron kape, milo o matcha.

Meron syempre hindi rin rin naman tayo papahuli sa Dalgona Coffee Craze na ito gumawa din ako ng sarili version.

Ang mga sangkap na ginamit ko para sa Dalgona Coffee ay ang Barlico Black, Brown Sugar, Fresh Milk. Yan Lang naman ang mga importante ingredients para sa Dalgona.

Sunod nagagawin ay kailangan pagsamahin mo ang Black Coffee na meron 3 kutsara nito at Brown Sugar na meron 4 na kutsara nito, pagkatapos lagyan ninyo ng mainit na mainit na tubig na meron lamang na 2 kutsara nito. Bale wala ako ung electric mixer ang ginamit ko na lamang ay tinidor. Tas haluin lamang ng haluin hanggang sa maging malapot ang texture nito.

Kailan ihanda mo naman ang fresh milk at yelo sa bago para doon mo ilalagay ang ginawa mong texture coffee.

Narito ang naging resulta na ginawa kung Dalgona Coffee.