Saturday, November 23, 2024

How to Reset and Get Ahead With Your Savings

How to Reset and Get Ahead With Your Savings

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga ng tatay ko “sa simpleng pag-iipon mo madami magagawa kahit piso-piso lang yan malaking impact yan sa huli basta meron lang goals at mga habit na gagawin sigurado makukuha mo ito. Sa bawat gagawin mo dapat may visual para alam mo kung anu ang target mo at kung kailan mo ito kakailangin.

Isa yan sa mga habit na naituro sa akin ng aking tatay simula ung maliit pa ako marahil alam ninya na hindi madali ang pagkakaroon ng pera lalo’t pa hindi naman ito basta-basta napupulot. Lalo na sa panahon natin ngayon na ang bilis ng pagtaas ng mga bilihin parang bawat linggo na lamang ay nag-iiba – iba ang mga presyo ng bilihin, hindi ba?

Kaya naman nakakatuwa lamang sapagkat nitong nakaraang araw lamang ay naimbitahan tayo sa isang munting salo-salo ng Cebuana Lhuillier para sa nakapagandang topic nila para sa World Savings Day kung saan naging speaker nila ay mahusay na financial guru at blogger na si Ms Izza ng SavingsPinay.Ph

Nakakatuwa ung mga discussion ni Ms Izza nakakarefresh sya ng utak pagdating sa pera lalo’t pa iba style ng ginamit nito dito kumpara sa mga nakasanayan ko, dito kasi sa discusion na ito pinakita nya kung may klaro ung mga goals kumbaga ipinawanag kung paano at bakit mo kailan ng goals, need ba ito o wants. Inilahad din nya na dapat meron short and long term goal sa bawat gagawin mo. Syempre kailan mo din icheck ung financial status mo kung capable pa ito sa mga short and long term goals.

How to Reset and Get Ahead With Your Savings

1. Understand your current financial situation

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagtutugma ang goals natin sa financial status hindi ba? Kaya malaking factor talaga na ang bawat centimo o piso na meron ka ay alam mo kung saan napupunta. Kaya naman mas mainam na meron ka talaga notebook or planner or kait simpleng papel na doon mo ilalagay ung mga listahan mo kung saan napupunta ang mga pera ginagastos ko, ika nga nila kailan alam mo kung magkano ang pumapasok at lumabas. Para kapag dumating ang araw na kailan mo ng pera sa emergency ay may mahuhugot ka.

2. Review your spending habits

Kagaya ng nasabi ko kanina alamin mo kung saan napupunta ang pera mo kung sa needs pa ito o sa wants. Kumbaga dapat meron ka short at long term goal sa bawat peso na nakukuha mo. Kasi mahirap mashort sa panahon ngayon lalo’t pa hindi biro ang mga bilihin sa merkado at lalo na kung naospital ka panigurado ako na mauubos ang savings mo pagnagkataon.

3. Put your plan into action

Sabi nga nila hindi dapat puro sulat lang ang nangyayari sa mga plano dapat meron kang ginagawa para makuha mo ung gusto mo mangyari sa buhay, hindi ba? Kung kaya naman gawin ngayon na mismo ang isang bagay gawin na kaagad para mas maaga matapos at mas madami magagawa sa susunod na araw. Hindi dapat pinapalagpas ang mga baway oras at pagkakataon malay mo pagkagising mo okey na pala ang lahat at nakuha mo na ung mga bagay na gusto mo sa mga short at long term goals mo ng hindi mo namamalayan, hindi ba?

Syempre kung financial goal naman ang pag-uusapan dapat alam mo kung paano pag-ipin lalo na sa panahon ngayon sobrang importante nito dahil hindi mo alam kung kailan mo kailan ng salapi katulad na lamang ng nangyari sa atin sa nakalipas na dalawang taon dahil sa lockdown panigurado halos maubos ang savings natin, hindi ba?

Kaya naman mas mainam na meron tayong saving na pangmatagalan at maasahan sa lahat ng pagkakataon. Na hindi hassle mag-open ng account at hindi na kailan pa ng maraming ID para lang makapagbukas ka ng saving account. Meron bang ganun? Oo meron sa Cebuana Lhuillier kung saan isang government valid ID lamang ang iyong kailangan at sa halagang Php150.00 pwedeng-pwede ka na magbukas ng Cebuana Lhuillier Micro Savings Account at ang maganda pa dito meron silang over 3,000 branches nationwide kaya hindi ka mahihirapan pa pumunta sa malayong lugar para lamang mag depost o magwithdraw sa oras ng pangangailangan.

Kaya naman anu pa hinihintay mo set your goals na bago matapos ang taon na ito at simulan mo na icheck ang mga financial status mo ngayon para makuha mo ang mga bagay na gusto mo.