Sunday, December 22, 2024

Jaytee Balmores being a nurse to a well-known entrepreneur

Jaytee Balmores being a nurse to a well-known entrepreneur

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga ng Tatay ko sa buhay dapat alam mo kung kailan mo gagamitin ang kakayahan mo para mas pamaunlad mo ang iyong sarili at tumulong sa mga ibang tao dahil ito ang magiging sandata mo sa huli para maging matagumpay ka sa buhay mo sa ngayon at sa hinaharap.

Isa yan marahil sa mga natutunan ko sa tatay ko na hanggang ngaun ay dala dala ko pa kaya naman laking tuwa ko na nang nakilala ko ang isa sa mga mahuhusay na negosyante mula sa Canada.

Kaya naman nung nabigyan ako ng pagkakataon ng makilala sya ng husto at mainterview ay hindi na ako nag-atubili na umoo agad.

Ito ay walang iba kundi si Jaytee Balmores isang dating nurse na ngayon ay isa nang matagumpay at kilalang negosyante sa bansang Canada.

Isa sa mga naging katanungan ko sa kanya ay kung paano sya naging negosyante at paano nagsimula ito, ani ni Jaytee Balmores “dati I just cook when I was here (Philippines) and then when I moved to Canada 2008, I missed my mom home cooking so really need to level up, so with the help of Skype my mom thought me how to cook, I was in front of the laptop while cooking. Wala talaga ung face to face, she’s never tried to taste what I’m cooking. But when she arrived 2012 in Canada sabi niya masarap. Natatandaan ko yung unang luto ng nanay ko na talagang sarap na sarap ako kasi from the usual ng mga sinigang, adobo ganyan is yung spaghetti at yung kare-kare yun yung parang pag meron kang family gathering laging nirerequest. Alam mo ung Pilipino spagetti na maraming liver tapos hindi sya ung extra sweet its a creamy mixture of chessyness with the savory sauce. Tapos ung kare-kare walang peanut butter.”

Natanung ko din sya yung anu ung namiss nya yung pagkain noong napunta sya sa Canada. Ani ni Jaytee “ang pinakaunang narealized ko na okey malayo na ako sa bahay is yung sinaing na tulingan bigla akong gumising isang araw on a winter morning, crave ko yung tulingan na may taba. Eh bago lang naman ako sa Canada na yun dumating ako fall tapos ang start yung craving ko.”

Paano ka naman na venture sa foodtruck from being a professional nurse?

Like what im always say on TV ang kwento ko pumunta kami ng LA (United States of America) nakakita ako ng foodtruck pinipilahan talaga sya ng tao, ang daming pila. With respect to that foodtruck gusto ko yung isaw pero yung ibang pagkain nila parang okey lang yung lasa pero im myself gumastos ako ng 200 USD eh kasi namiss ko yung mga pagkain tapos ang haba rin ng pila sa kanila pero ung food di masyado. Habang tinitignan ko si kuyang nagtitinda corny man isipin, sabi ko kaya ko ito that was October 14 2014. I came back to Canada October 17. October 18 bumili ako ng red notebook nag start na ako magsulat-sulat, May nagbukas na ako, April nag quite na ng job ko and then May nag start na.

Bakit foodtruck at hindi restaurant?

Naisip ko na rin dati ang restaurant pero ang sabi ko, ako lang at ang nanay ko ang andun. Pero kung kasama ko yung mga kapatid ko, why not a restaurant pero parang navibe din sa personality ko yung nasa persona ko. Ako kasi ung nagsimula ng Pilipino foodtruck doon ngayon ang dami ng meron parang sa personality ko part of the success ng foodtruck din kasi yung paano ko siya dinadala on my personal level.

Nashare mo na ba yung recipes mo sa mga staff mo?

Never share it! But what i do prepares the different stages meron akong assitant. Kunwari sa sisig ko kami na magpapakulo, ilalagay na yung mga dapat ilagay tapos ung mga species tapos tsaka iihaw. Tapos pagnaihaw hindi mo naman sasabihin kung anu yung andun. Tapos iiwain na lang nila. Basically taga hiwa lang sila. Pagnahiwa na nila ytung itatabi na nila. Papasok na ako, ako na mismo yung gagawa. Same sa sauces ako ko yung key ingredients ko, pag pumasok na ako sa kusina nagawa na ng staff ko yung kailan ko at alam ma nila ung ilalagay nila. Pero meron pa rin akong ilalagay na hindi nila malalaman. I did a very big mistake one time buti na lamang makakalimutin sya. Meron kasi doon dati isang babae, she’s Canadian citizen kaso wala syang mapuntahan not just she’s poor may pera naman sya pero palagi siya nagpapadala inanpom ko yun 7 years, sabo ko dito ka sa akin tumira samahan mo muna nanay ko. Alam mo i make a biggest mistake showing her i make my lechon belly and my lechon belly is one of my best seller. Isipin mo may doktor sa Canada na naging doktor sya dahil sa pagtitinda nila ng lechon belly sa Cebu. Bumili sya sa akin sabi pa nya, “Jay we love you dearly pero bibili lang ako ng isa kasi yan ang kabuhayan ng pamilya namin, you what after that i never sold my litson belly online market kasi pinapagyaw nya for Christmas 100 pieces. Kasi sya pinamimigay nya sa mga kamag-anak kaya November pa lang puno na ako. October nagsasabi na sya.

Since nag boom na yung business foodtruck mo, anung na yung mga hirap na pinagdaan mo?

Ang pinaka struggle ko ay yung meron ako basher doon same Pilipino foodtruck na tunulungan ko noong nagsimula sya, isa ako nagsabi sa mga tao na suportahan sya kasi hindi ko naman na kailangan pa ng publicity. Alam mo yung ginawa nya kinagat nya ako she’s tried to vandalized my truck,nag tresspassing sya sa property ko pero ngayon alam mo nagtayo sya ng restaurant nagsarado. God’s really watch you. Sya yung literal na sample ng crab mentality, dati yung sinasabi ko sa mga tao “support her, support her” nag-iilove pa yun sa’kin sa live streaming tapos yung one time naoperahan ako sa Hawaii for my 40th birthday na appendicitis and then she called me “Jay saan ba yung malalakas spots while im there sa hosptal i can tell my friends to go and support you.” You know what I told her, ate malakas yung sa ganito doon ako pumupunta and what she did, she’s apply for the same spot that i told her na malakas ako. Bad person talaga. Yung sinabi ko sa kanya ate bakit? She’s tried to record me yung nagalit ako sa kanya yung following day, the husband called me and said she’s suffering from the kidney failure gusto siguro magsalita ako parang masama and I’m not the type of person. They really tried everything pero they fell. Now they close. Now I’m here in the sunny Philippines and they still working sa kalamig na foodtruck nilang luma na inutang pa nila hanggang ngayon.

Habang nakikinig ako sa aming munting interview dito mo talaga makikita na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat maging mabait tayo dahil minsan sa pagiging mabait natin ay naabuso tayo ng husto at magiging dahilan pa ito upang gamitin nila sa atin.

Kung tutuusin naman lahat ng mga pumapasok sa pagnenegosyo ay dumadaan naman sa ganitong pagkakataon at pagsubok ngunit ang maganda lang sa ginagawa ni Jaytee Balmores ay hindi sya gumawa ng anumang hakbang na nakakasama sa ibang tao bangkus ay hinayaan na lamang nya ang may kapal na gumawa ng paraan para sa mga bashers nito.

Kaya naman hindi na nakapagatataka pa kung bakit sunod-sunod na biyaya ang kanyang natatanggap mula sa personal nyang buhay hanggang sa negosyo nya. Panigurado na pagnagawa na nya ang isa sa mga pangarap na na magkaroon ng restaurant papatok at papatok ito dahil maliban sa masarap na putahe na meron sya at ang kanyang busilak na kalooban hindi lamang sa kanyang pamilya pati na rin sa ibang tao.

Para sa kabuuan ng interview pumunta lamang sa opisyal na youtube channel na AXL Powerhouse Network O panoorin na mismo dito.