Sasakyan pang negosyo ba ang hanap mo? May Bajaj Maxima Cargo na tutulungan kang maging “Ahead of the game” sa pagnenegosyo! Alamin natin kung paano naging lamang sa farming business ang Bukid ni Juan na pagmamay-ari ni Ferdinand Domingo sa Zambales:
Lamang sa Kita | Unli delivery ng mga ani saan man sa Zambales! Yan ang nagustuhan ni Ferdinand sa Bajaj Maxima Cargo. Dahil sa Fuel Injection system nito, mas nakakatipid siya sa gasolina. Dati’y gumagastos siya ng P300 sa renta kapag magdedeliver, ngayon ay naiparerenta na ni Ferdinand ang Bajaj Maxima Cargo sa halagang P500 per trip. Dahil merong 500kg carrying capacity ang Bajaj Maxima Cargo, mas madami ang pwedeng ikarga at maibenta. Tunay ngang mabilis ang balik ng puhunan sa Bajaj Maxima Cargo. “Iyan ang magiging investment plan ko lalo na kung farmer ka” saad ni Ferdinand.
Lamang sa Tibay | Itinuturing din ni Ferdinand na “Modern farming workhorse” ang Bajaj Maxima Cargo. Araw-araw itong bumabiyahe tuwing weekdays at bugbog naman sa farm kapag weekend. Dahil sa Dual front fork suspension at heavy duty CV Shaft, kayang kaya ng Bajaj Maxima Cargo ang araw-araw na biyahe sa baku-bakong daan sa farm kahit pa puno ng karga. Sa lakas ng makina na 236.22cc, walang palya ang pagdedeliver at paghahatid ng kanyang mga produkto. “Mapagkakatiwalaan at maasahan talaga itong Bajaj Maxima Cargo pagdating sa pagnenegosyo” ayon kay Ferdinand.
Lamang sa Kumportableng Biyahe | Sisiw ang bawat biyahe para kay Ferdinand kahit buong araw gamitin ang Bajaj Maxima Cargo dahil sa ergonomic driver cabin at seats nito. Napabilib rin siya sa suspension ng Bajaj Maxima Cargo dahil hindi masyadong matagtag habang nasa biyahe. Nagagamit niya ito hindi lang pang deliver, kundi pang hatid sundo sa kanyang misis at mga anak. “Ease of transporting our products to the market” ika nga ni Ferdinand.
Sa usapang diskarte at negosyo, lamang ka sa Bajaj Maxima Cargo for as low as P 25,000.00 downpayment! I-click ang link: www.bajaj.com.ph upang malaman kung anong dealer ang malapit sayo. Ready to apply? Magtungo na sa link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow. Abangan rin ang Bajaj Dagdag Kabuhayan Raffle Promo simula ngayong March 1, 2024 kung saan mamimigay ang Bajaj Philippines ng tatlong (3) Bajaj Maxima Cargo kada buwan sa maswerteng mabubunot sa raffle!