Thursday, January 2, 2025

Mangan Ta Na : Experience affordable and delicious food of Nanyang – SM Mall of Asia

Mangan Ta Na : Experience affordable and delicious food of Nanyang – SM Mall of Asia

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga ng tatay ko, “kung saan ka masaya gawin mo ito lalo’t mabilis lamang ang buhay mas mainam na namnamin mo ito at maging mabuti“, tama nga naman ito lalo’t na sa panahon ngayon na hindi natin alam kung hanggang kailan at saan na lamang tayo sa mundong ating ginagalawan.

Kaya naman bilang isang pasasalamat sa lahat ng mga ginawa niyang sakripyo bilang haligi ng tahanan bakit di natin sila itreat sa isang masarap, cozy at abot kayang pagkain na talaga naman mag-ienjoy sya. Kung tutuusin wala ako maisip na lugar na pwede syang dalhin sapagkat alam ko minsan hindi nya gusto yung lugar lalo na kung mahal ang babayarin.

Buti na lamang nitong nakaraan ayaw ay naimbitahan tayo pumunta sa SM Mall of Asia para isang masarap na kainan na tinatawag na Nanyang, isang kilalang restaurant na din ito na nag-ooffer ng isang Singaporian authenthic dishes. Aamin ko di ako masyadong familiar sa mga Singaporian food dahil madalas japanase, korean at thai food ang kinakain ko kahit na allergies ako sa mahanghang.

Pero sino ba naman ako para tumanggi sa isang paanyaya na ito lalo’t pa bago lamang sa aking ang ganito klase pagkain na sigurado naman ako matatakam ako ng husto.

Unang kita ko pa lamang sa Nanyang ay nagustuhan ko kaagad ang interior at ambiance dito dahil sa woodie type of interior samahan mo pa ng minimalist style na talaga naman ang sarap sa para at feel at home ka talaga sa lugar.

Ang dami din pala variety of food ang inooffer ang Nanyang mula sa inumin na kopi at teh,beverages na pasok na pasok sa budget mo, ang kanilang Asian Delights menu na mula Php198 hanggang Php268.Kung tutuusin sa presyo pa lamang parang fastfood na din sya hindi ba? mas sulit pa dahil iba putahe ang nakahain sa iyo at bihira mo lang naman hindi ito matitikman.

Naging appetizer namin ang Toast Set Meal kung saan naglalaman ito ng thick toast (hainase kaya with honey toast), 2 soft boiled eggs + kopi or teh sa halagang Php168.

Yung kanilang Thick Toast habang kinakain ko ito naalala ko ung lola ko na gumagawa ng kakain noon ganito din ung lasa nya kaya di na rin siguro nakapagtataka pa kung bakit iba ang pakiramdam habang kinakain ko ito. Ito yung moment na nagmumuni ka sa umaga na ang sarap sarap o pwede masarap kainin din ito pag meryenda habang nag-uusapan kayo ng tatay mo para sa magandang kinabukasan.

Syempre hindi naman dito natatapos yun meron main course kung saan sinubukan ko tikman ang Homemade Nasi Lemak kung saan nalalaman nito ng 1 boiled eggs, anchovies, crispy chicken chops, sweet coconut rice, peanuts and spicy sambal sauce. Isa lamang masasabi ko ang sarap iba ung lasa ng combination ng sweet coconut rice, boiled egg at crispy chicken sa bibig mo di mo mawari kung matamis dahil sa kani pero ang sarap ung tipong susubo ka ulit para kainin ito, the best to sa mga tatay natin dahil alam naman natin na kailan na kailan nila ito dahil madami silang ginagawa sa buhay mula sa loob at sa labas ng bahay. Kumbaga parang booster food sa akin dahil ito ung nabibigay na lasa niya kompleto tapos samahan mo pa ng masarap na inunim na Milo Dinosaur na gusto gusto ko ung lasa, alam na alam mo na di tinipid bilang laking milo tayo! Hindi ba?

Kung tatanungin mo ako kung worthy it ung kinain ko, isang malaking OO dahil yung kinain ko na yun ay nasa halagang 248 para sa Homemade Nasi Lemak plus Milo Dinosaur 120, wala pang 500 ung kinain ko pero sulit lalo’t malaki din naman ung serving nila.

Narito ang ilan sa mga pwede ninyong tikman at inumin sa Nanyang – Mall of Asia

 

Hainasense Chicken Rice Php268
Laksa

Kung mahilig ka naman sa mahanghang naku panigurado magugustuhan mo itong Laksa ng Nanyang may sipa ito biglang isang matapang na panlasa sa mahanghang ramdam mo kaagad ito perfect itong kainin sa ngayon lalo’t papasok na naman tag-ulan.

Cheesy Chicken Chop Noodle

Kung gusto mo naman yung tipong canton style pero with a twist meron silang Cheesy Chicken Chop Noodle na talaga naman panalo, ito ung moment na ganito canton ang kinakain natin tuwing madaling araw pero iba ung timpla at lasa na panigurado ako hahanapin mo pagnatikman mo.

Syempre kung meron pambara meron din naman matulak na talaga naman di mo pagsasawaan ng husto nasabi ko na ang isa sa mga naging paborito ko ang Milo Dinosaur,  Kopi na 3 klase, Teh na 3 klase at Yuan Yang (Tea+Cofee+Evaporated Milk+Sugar) naglalaro lamang ang presyo ng mga ito sa 90 para sa hot at 110 para sa malamig.

Kung tatanungin mo ako kung nabusog ba ako, nasiyahan o sulit ba, simple lamang ang sagot oo. Lalo’t swak na swak ito sa budget at may dahilan ka para dito mo icelebrate ang araw ng mga ama sapagkat yung ilalabas mo na pera para sa masayang okasyon na yun ay sulit!

Ano hinihintay mo?! Punta na sa Nanyang – SM Mall of Asia at tikman ang Singaporian Cozy Food.