Thursday, January 2, 2025

POV Review : Samsung Galaxy M53

POV Review : Samsung Galaxy M53

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila ang bawat tao dito sa mundo ating ginagalawan ang nag-iiwan ng magandang marka, isang marka na babaunin nino man hanggang sa dulo.

Isa sa mga marka aking tinutukoy ay ang larawan lalo na sa panahon ngayon na ang bawat galaw mo ay kinukunan mo ng mga larawan mula sa pagkain, mga halaman, sa pagluto at sa iba pa dahil isa ito sa mga magiging alaala mo na babalik-balikan mo ng husto. Lalo’t pa na ang bilis bilis na nag pagbabago ngayon di mo namamalayan na tapos na pala. Kaya kailan mag-iwan ka talaga ng marka di lamang para sa iyong sarili kundi para sa malalapit mo sa buhay.

Dahil ang larawan ang isa sa mga importante ngayon dahil sa lahat okasyon isang pindot mo lamang pwede mo na syang iupload sa mga social media network na meron ka,syempre gusto mo pag nilabas mo sa social media maganda ang quality at magugustuhan mo din.

Dahil nabanggit ko na din lamang ang paggamit ng social media sa mga important kagamitan sa panahon na hindi pwede mawala ay ang smart mobile, sino ba naman tao sa paligid natin ang walang smart phone hindi ba?

Isa sa may magandang camera feature sa merkado mula noon hanggang ngayon ay ang Samsungm di ba? Mula sa kanilang dlsr to mirrorless talaga naman nagbibigay ganda sa bawat kuha mo ng mga larawan.

Nitong nakaraan linggo lamang ay nabigyan ako ng pagkakataon para subukan ang isa sa kanilang midrange phone na Samsung’s midrange M-series na Galaxy M53.

Bago ko simulan ang aking karanasan sa paggamit ng Samsung Galaxy M53, anu-anu nga ba ang mga features o specs ng Galaxy M53 na ito.

Body: 164.7×77.0x7.4mm, 176g; plastic back, plastic frame.
Display: 6.70″ Super AMOLED Plus, 120Hz, 1080x2408px resolution, 20.07:9 aspect ratio, 394ppi.
Chipset: MediaTek MT6877 Dimensity 900 (6 nm): Octa-core (2×2.4 GHz Cortex-A78 & 6×2.0 GHz Cortex-A55); Mali-G68 MC4.
Memory: 128GB 6GB RAM, 128GB 8GB RAM, 256GB 8GB RAM; microSDXC (uses shared SIM slot).
OS/Software: Android 12, One UI 4.1.
Rear camera: Wide (main): 108 MP, f/1.8, PDAF; Ultra wide angle: 8 MP, f/2.2, 1/4″, 1.12µm; Macro: 2 MP, f/2.4; Depth: 2 MP, f/2.4.
Front camera: 32 MP, f/2.2, 26mm (wide).
Video capture: Rear camera: 4K@30fps, 1080p@30/60fps; Front camera: 4K@30fps, 1080p@30fps.
Battery: 5000mAh; Fast charging 25W.
Misc: Fingerprint reader (side-mounted).

Ngayon naman pag-usapan naman natin ang design M-series na Galaxy M53 maganda ang design nya lakas maka iphone design malinis tignan bagay na bagay para sa mga yuppy tinatawag young entrepreneur kung bagay di sya nakakasira ng OOTD para sa ating social media post.

Isa din sa nagustuhan ko sa Samsung Galaxy M53 di mabigat sa kamay tamang tama lang sya lalo na ngayon di ba? Ang dami nating hawak sa kamay dahil sa dami ng ginagawa natin maliban pa dito fashionable din sya isa na din siguro sa mga factor yun kasi Samsung mostly naman ang mga gawa ng mga Samsung Mobile fashion kumbaga di naluluma tignan. Pero isa lang sa mga hindi ko gusto sa Samsung Galaxy M53 ay wala itong earphone jack as someone na mahilig makinig ng podcast lalo na sa pagnasa byahe at kung sasabihan ninyo ako na uso naman ang BT eaphone or earbuds mas gusto ko pa din ang traditional dahil di mabilis makalowbat ito lalo na kung madami ganap ang cellphone mo di ba? Aminin naman natin o hindi di lang naman facebook ang ginawa natin sa cellphone ngayon dahil ang dami-dami na pwede gawin lalo’t pa henerasyon ito ng social media.

Galaxy M53 wide shot

At bilang isang simple photographer isa din sa factor ng Galaxy M53 na meron silang wide angle na tuwang-tuwa ako sapagkat bilang mahilig ako mga architecture and landscape shot, ang ganda nitong gamitin lalo na kung nasa travel ka ang linaw ng mga details na kailangan mo. Kumbaga on the go mo sya at hindi mo na kailan ng dslr kung mabilisan byahe lang naman ang gagawin mo at kung kailan mo sya ipost agad sa social media pasok na agad. Hindi mo na din kailan pa dumaan sa color grading sapagkat okey na sya malinaw at detalyado kagaya ng sabi ko.

Kung night photography naman ang pag-uusapan swak na swak at lumalaban din ang Galaxy M53 di ko nga expected na magiging ganun ang details akala ko nga medyo grayish ung kakalabasan pero hindi naman pala.

Narito ang ilang sa mga kuha ko mga larawan gamit ang Galaxy M53, sinubukan ang ilan sa mga camera features nito mula sa wide lens hanggang sa night mode at isama na din natin ang ilan sa mga video coverage na ito ang aking gamit.

Night Photography in Poblacion Makati
Night Photography in Pasay
Wide shot angle at Aliw Theater
Portrait Shot
Wide Shot at CCP Main Theater
Manila By Night

Ang hindi ko lang nagustuhan sa camera feature nito ung video zoom pag nakatodo na wala ka makita talaga kumpara sa S22 ng Samsung.

Pero kung tatanungin mo ako kung pasado ba sa akin o worthy ba ang ganitong klaseng camera, oo dahil isa din pala sa nagustuhan ko dito ay ung battery life nya kahit na madami kang nakaopen na apps at ginawa sa phone ay tumatagal naman sya ng isa’t kalahating araw.

Lalo’t na sa isang katulad na freelance photog at social media manager. Sobrang laki tulong ng isang battery life dahil di naman sa lahat ng pagkakataon ay laging may dala ka powebank lalo ba kung gusto mo na minamalist lang ang style mo.

Kung nagdadalawang isip ka para dito maari ka pumunta sa kanilang Samsung Store para mas makilatis mo ito ng husto at makita mo kung tama ba ang mga sinasabi ko.