Isa sa naman bagong lugar na pwedeng puntahan sa Makati, isang lugar na swak para sa mga yuppers o millennials na gusto ung simple o minimalist ang datingan ng lugar, ito ay walang iba kundi ang Assembly Grounds na matatagpuan lamang sa North Makati o may bandang Malugay Street.

Tamang tama ung lugar ng Assembly Grounds kasi madali lamang puntahan lalong-lalo na sa katulad ko na tiga-south lang kumbaga di ko na kailan pa pumunta ng Ayala Ave area para lang magchill o hindi naman kumain kasama nga kaibigan sapagkat kumpleto rekados na naman ang Assembly Grounds mula sa Starbucks Reserve, Tong Yang Shabu-Shabu, Zubuchon, Buffalo Wings n Things, kahit nga 711 meron sila o BreadTalk.

Kung kailan mo naman ng ilang mga essentials meron din Daiso, Lomi Imua Relaxation Hawaiian Spa, Sanbry Men’s Grooming House, Acero Dental Clinic, Besa’s Footwear at Bag Restoration, o pag banko naman may BPI, Security Bank.

Fitness naman ang mag-uusapan magkakaron din dito dahil andito ang isa sa mga unique fitness martial arts na Tapout Fitness samahan mo pa ng isang multi-brand lifestyle concept store, CURATE.

Kumbaga kumpleto sila kahit na sabihin natin na Boutique Mall ito, minimalist ang datingan pero world class naman ang interior at exterior ng lugar, ila nga ng Gen Z Instagrammable place to go.

Hindi naman din naman ako magtataka pa kung bakit ganito ang mall na ito sapagkat pag-aari at dinevelop ito ng isa sa mga mahusay na developer ng bansa ang Shangrila Properties.

Comments

comments