Sabi nga nila sa panahon ngayon hindi mo alam kung safe pa ba sa mga pinupuntahan mo lalo’t alam naman natin lahat na hindi pa masyadong bumababa ng todo ang cases ng nagkakaroon ng Covid-19.
Mabuti na lamang ngayon ay kahit paano ay makasigurado ka na safe ang pupuntahan mo lalo na dito sa Alabang Town Center o mas kilala bilang Town dahil itong Hunyo 11, 2021 ay pormal ng nilunsad ang isang program kung saan tinatawag nila itong Safety Seal Certification. Ibig sabihin lamang nito ay ang isang lugar ay ligtas at sumusunod sila sa standard protocol ng Inter-Agency Task Force o mas kilala bilang IAFT kasama na dito ang pagkakaroon nito ng staysafe.ph.
Bago ko makalimutan ang pagkakaroon nito ay voluntary inspection sa pakikipagtulungan ng LGU o ng DTI. Paraan din ito ng gobernyo para suportahan ang mga negosyante na muling bumalik sa serkulasyon at manunbalik din ang tiwala ng mga customer nito.
Ilan sa mga dumalo sa Safety Seal Certification launch ay mula sa mga ahensya ng gobernyo at ilang executives ng Ayala Malls : City Government of Muntinlupa – OFFICIAL Mayor Jaime Fresnedi; Congressman Ruffy Biazon; Director Bernadette Ferino DILG, Muntinlupa; Francisco Cruz, Assistant Secretary for DILG Plans and Programs, Muntinlupa City; Dindo Fernando, VP & Head of External Affairs, Ayala Land Inc.; Veronica Arcenas, Ayala Land Malls, Inc. Area Head for South Malls; Christopher Maglanoc, Ayala Land Malls Inc.
Narito ang ilan sa mga photo highlights sa naganap na Safety Seal Certification launch.
So alam mo na safe na safe pumunta sa Town ngayon dahil meron na silang Safety Seal Certification pero syempre hindi lang basta ganun ganun ang bagay na iyon kung pupunta ka huwag mong kalimutan pa ang pagsuot ng face mask, face shield at magdala ng alchohol dahil hindi pa rin naman nawawala ang virus sa ating paligid.