Alam nyo ba na may PNR service noon papuntang Baguio?
Ang tawag sa ruta na ito ay “Baguio Special” dahil mula sa Damortis Station sa La Union, nililipat sa luxury cars ang mga pasahero at dinadala sa Baguio (Lower Session Road). Sa Session road ang relaxation area ng mga sundalong Americano. Kung familiar kayo sa Hill Station Resto sa Baguio, dati itong parte ng buong Hill Station mula sa Lower Session Hanggang sa may SM Baguio.
Di nagtagal naisip nila na mas ok kung diretso ang tren paakyat ng Baguio kaya nabuo ang plano na “Aringay La Union – Asin Tuba Benguet – Baguio line”.
Nasimulan ang linya na ito pero hindi natapos dahil nawalan ng pondo. Nagkaroon kasi ng World War 1 at isa ang Britain (Original financier ng North Line) sa mga inlvove sa gyera.
Naiwan ang ilang bakas ng construction gaya ng Aringay Tunnel at Asin Tunnel. Naging parte ng kalsada ang Asin tunnel pero naiwang naka tengga ang Aringay Tunnel. Marami rin sa mga PNR properties sa line na ito ang naibenta na or na-transfer na ang titulo sa mg private citizens.
Nakakatuwa lang na noong panahon na yun (na limited pa ang mga gamit) alam na nila na ideal for tunnel construction ang lupa sa Aringay paakyat ng Asin Tuba Benguet kasi hindi nasira yung mga tunnels na ginawa nila kahit dumaan pa yung 1991 Baguio earthquake.