Isa sa tradisyon tuwing sasapit ang pista ng Quiapo o Nazareno ay ang Traslacion kung saan magsisimula ito sa Quirino Grandstand hanggang sa makarating sa simbahan ng Quiapo.
Ito din ang araw kung saan makikita mo siguro ang iba’t-ibang mga klaseng tao mula sa mahirap hanggang sa mayaman. Ito din ang pagkakataon ng mga photographers lalong-lalo na sa news at street photography dahil kahit saan ka man tumingin ay madami ka pwedeng kuhanan at maging istorya sa araw na iyon.
Kaya naman kung isang photographer o isang deboto ng Poong Itim na Nazareno dapat alam mo kung saan ka lulugar at alam mo ang ruta na dadaan nito sa taon na ito. Sapagkat ngayon taon ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa ruta nito kung dati-rati ay dadaan ito sa mga Jones Bridge patungo ng Binondo District ngayon ay hindi na sapagkat ang ruta ngayon sa papasok Ayala Boulevard.
Ayun sa post ni Mr. Jere Inocencio sa facebook account, “sa inaprubahang ruta ng PNP at ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo, sa Ayala Bridge tatawid ang daloy ng prusisyon patungo sa Quiapo Church. Alinsunod ito sa rekomendasyon ng DPWH para sa kaligtasan ng mga makikilahok sa nasabing aktibidad dahil ang mga tulay ng Jones, MacArthur, at Quezon ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos. Kaya’t mula sa Quirino Grandstand ay dadaan ang andas ng poon sa P. Burgos Avenue, Finance Road, Ayala Boulevard, at Carlos Palanca Street patungo sa nakagawiang ruta nito sa loob ng distrito ng Quiapo.
Maaring tingnan at i-download ang mapa sa link na ito:
https://drive.google.com/
Likhang mapa/ ruta ni Jeremiah Inocencio