Saturday, January 11, 2025

Anumang kitid ng daan, kayang respondehan ng isang makabagong solusyon mula sa Bajaj Three-wheelers

Anumang kitid ng daan, kayang respondehan ng isang makabagong solusyon mula sa Bajaj Three-wheelers

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Makikitid na daan at dikit-dikit na mga kabahayan sa looban, ‘yan kadalasan ang hamon na kinahaharap ng malalaking sasakyang pambumbero.

Sa hirap na makapasok sa ganitong klase ng mga kalsada ay madalas na nakokompromiso ang 5-minute quick response time lamang dapat kaya’t maaaring mabilis na lumaki ang pinasala na dulot ng apoy. Buti na lamang at may solusyon na ang Bajaj Three-wheelers para dito.

Mas pina-ready na ang mga fire volunteers mula sa Cubao Zion Fire & Rescue Associations, Inc. (CZFRAI) na tahakin kahit sa makikitid na avenues ng Cubao, Quezon City dahil sa three-wheeler na Bajaj Maxima Cargo. Sa pagtutulungan ng Jesus V. Del Rosario Foundation (JVRF) at Trimotors Technology Corporation, ang exclusive distributor ng Bajaj Three-wheelers sa Pinas, nakatanggap ang CZFRAI fire volunteers ng Bajaj Fire Safety three-wheeler hango sa Bajaj Maxima Cargo noong Pebrero 03 (Huwebes) sa Cubao Zion Head Quarters.

Ang sasakyan ay magsilbing Quick Primary Response Vehicle sa mga emergency rescues upang mabilis na apulahin ang apoy sa mga iskinita’t loobang hindi kayang abutin kaagad ng responder four-wheels o fire trucks. Three-wheeler man ang Bajaj Fire Safety vehicle na ito ay kayang-kayang magdala ng humigit-kumulang 400 litro ng tubig dahil sa tibay at lakas ng 236.22 CC na makina at 487kg na carrying capacity nito.

“Maraming pwedeng pag-gamitan, hindi lang firefighting pati sa misting at vehicular accidents malaking tulong siya [Bajaj Fire Safety Vehicle]. Hindi katulad ng malalaki naming units, mas mauuna pa siya.” dagdag ni Loreto T. Pelicia Jr. ang Fire Chief ng CZFRAI.

Anumang kitid ng daan, kayang respondehan ng isang makabagong solusyon mula sa Bajaj Three-wheelers. Alamin ang iba pang solusyong kayang ihatid ng Bajaj Maxima Cargo, bumisita sa www.bajaj.com.ph o i-like ang fb.com/BajajPhilippines.