Sunday, December 22, 2024

Bakit hindi pinapansin ng local producers ang Pinoy komiks?

Bakit hindi pinapansin ng local producers ang Pinoy komiks?

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mula sa panulat ni Ginoong Visconde Carlo Vergara, isang mahusay na manunulat, illustrator at graphic designer.

Nakilala sya sa kanyang maganda kwento at likha ng Zsazsa Zaturnnah kung nagkaroon ng Isang musical play at naging pelikula pa.

Bakit hindi pinapansin ng local producers ang Pinoy komiks?

Number 1: may profit potential ba? May manonood ba? Kung simpleng drama, keri. Kung effects-driven, delikado. Kung gusto mo ng Hollywood-level effects, never mind. (Dagdag pa dito: Babayaran mo na ang creator, babayaran mo pa ang screenwriter.)

Number 2: interesado ba ang Pinoy creator na Pinoy din ang magpo-produce? Baka naman walang tiwala ang creator sa Pinoy producers, kase titipirin yung production. O di kaya’y may creative tweaking para maging mass-market friendly. Kung bakit ganun, see #1.

Number 3: Ang film at TV ay director’s medium. Kailangang swak ang vision ng direktor sa vision ng komiks creator. Kung hindi sila swak, paano na? The director has to believe in the komiks enough to keep it intact and defend its narrative choices.

Number 4: Walang komiks na “maingay.” Walang komiks na pinag-uusapan, na trending, na sikat, na super-nakakalulang bestseller. Bukod doon, napakaraming screenwriter at direktor sa Pilipinas, mga screenwriter at direktor na may mga kuwento rin, mga screenwriter at direktor na kilala o nakikilala sa loob ng industriya. Ang komiks, tulad ng ibang libro, ay nasa labas ng industriya.

Wala sa Pinoy film industry ang problema. You want your fave komiks to get their attention? Talk about it. Write about it. Buy it. Share it. Make it trend. Hindi papansinin ang hindi pinag-uusapan.