Sunday, December 22, 2024

Born In Film at PhotoNation kabilang sa Ortigas Art Festival 2021

Born In Film at PhotoNation kabilang sa Ortigas Art Festival 2021

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila masarap makita ng mga kuhang larawan mula sa iba’t-ibang mga lugar at ang mga kwento sa likod ng mga larawan na ito. Pero wala ng mas sasarap pa kung ang mga kuha mong mga larawan ay isang gallery o exhibit o art festival, hindi ba?

Kaya naman noong nalaman ko ng muling magbabalik ang isa sa mga gustong-gusto kung art festival sa bansa ay lubos ang aking galak sapagkat may mga bago na naman akong inspirasyon para sa aking mga susunod na likha.

Anu pa nga ang aking tinutukoy walang iba kundi ang Ortigas Art Festival kung saan nagsimula lamang sila nitong 2018 pero huwag mong basta mamaliit ang Ortigas Art Festival na ito sapagkat nakapagpakita na ang Art festival na ito ng mahigit kumulang na 200 artist mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas at ang nakakatuwa din ay maging ang mga international artist mula sa Southeast Asia ay nagkaroon na rin ng exhibit dito.

Natuwa nga ako sa Ortigas Art Festival 2021 dahil nagawa pa rin nila ang Art Festival na ito kahit na dumadanas pa rin tayo ng pandemia sa panahon na ngayon. Pero alam naman natin na ang arts ay isa sa mga paraan upang makatulong sa ating sarili, dahil sa arts nailalabas natin ang gusto natin ipahiwatig na minsan ang hirap ilabas sa salita, hindi ba? Kaya hindi rin naman ako nagtataka kung bakit umusbong lalo ang iba’t-ibang uri ng arts nitong nagdaang quarantine 2020.

Ang isa sa mga nakakaproud sa Ortigas Art Festival 2021 ay makita ang isang photography community na meron sariling space dito at nakakataba ng puso dahil ang dami-dami sumali para sa photowall na yun at mula pa sa iba’t-ibang mga lugar hindi lamang sa Mega Manila nagmula ang mga larawan. Tapos malalaman mo pa kung mga story behind that scene na minsan ang sarap lang pakinggan hindi ba? Anu photography community ba itong tinutukoy ko? Walang iba kundi ang isa sa malawak at masayang photography community ng bansa ang Born in Film / PhotoNation.

PHOTO NATION INTERNATIONAL Photo Wall (600 photos)

Kung tama ang aking pagkakatanda, ang simula ang Born in Film sa isang tribute sa ama ng founder na ito na si Franz Lopez kung saan binigyang buhay muli ni Franz ang ilan sa mga likhang kuha na photography ng kanyang ama maliban na dito ay ipinakita din niya sa madla ang ilan sa mga ginamit na kamera ang kanyang ama at madami ang natuwa ang ginawa niya para dito. Kaya naman mas lalong na enganyo ang ilan sa mga film photographer na mas makilala pa ng husto ang kanilang mga gawa at hindi lamang yun sapagkat nagkaroon na rin ang isang avenue ang mga film photography sa pagpalitan ng mga kuro-kuro sa kanilang mga gamit mula sa mga kamera, lente, rolyo ng film o maging sa mga proseso nito. Kaya naman di na nakapagtataka pa kung bakit ang bilis lumago ang community ng Photo Nation International.

With Franz Lopez at Ortigas Arts Festival 2021

Dahil na rin sa paglawak ng Photo Nation International hindi na ako magtataka pa ng husto kung balang araw ay magkakaroon ito ng isang malawak na photo exhibit at hindi nga ako nagkamali dahil nagkaroon nga ito at hindi lamang ito basta-basta photo exhibit sapagkat ang photo exbibit na ito ay inorganisa ng isa sa mga kilalang art festival. Kaya naman sobrang proud ako kay Franz Lopez sa nagawa nya para sa photography community.

Walang halong biro kasi nakita ko kung paano nagsimula si Franz at kung ibang mga programa na ang kanyang ilunsad para sa photography community kumbaga may mga ups and down pero tuloy pa rin ang laban, ika nga nya na lagi nyang sinasabi “keep the passion burning” kung nararamdaman mo na minsan nawawala na ito pwede ka naman pagpahinga at humanap muna ng ibang bagay. Dahil sa bandang huli mas masaya na sundin mo pa rin kung anu ang pagpapasaya sa iyo.

Kaya ung nakita ko ung photo wall ng Photo Nation International iba sa pakiramdam nakakamangha talaga binurin mo yun 600 photos yan, isama mo pa ang 10 international, 4 na special features na mas maiinspire ka lalo na galingan sa larangan na napili mo.

Kaya muli balangaw sa lahat ng mga sumali sa Born In Film at PhotoNation. Kung gusto mo naman sumali pwedeng pwede open naman sa lahat ang community na ito pumunta lamang sa kanilang opisyal page and group na https://www.facebook.com/borninfilm at https://www.facebook.com/groups/BIFPhotonation para sa iba pang mga impormasyon.

Ilan sa mga tampok na art exhibit dito ay ang Agos.studio, Art Relief Mobile Kitchen, Born in Film, PhotoNation, Richard Buxani, Arnel Borja, La Maison D’ David Art Gallerie, vMeme Contemporary Art Gallery and marami pang iba.

Para sa iba pang mga larawan ng Ortigas Art Festival pumunta lamang sa AXL Powerhouse facebook page.