Saturday, January 11, 2025

Daniel Padilla share the story behind the “Ang Kun Maupay Man It Panahon”

Daniel Padilla share the story behind the “Ang Kun Maupay Man It Panahon”

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nila alagaan mo ang kalikasan at ang kalikasan ay aalagan ka din nito ng husto. Isa yan sa mga importante aral na pwede natin matutunan sa pelikulang “Kun maupay man it panahon”, isang pelikula na pumatalakay sa nangyaring kalamidad sa ating bansa Pilipinas noong dumating sa bagyong Yolanda.

Ang maganda sa pelikula na ito ay binubuo ng madaming produksyon na alam mo na talaga naman ginawa nila at sumaailalim talaga sa masusi na dokyu at hindi basta basta na storyline kaya naman hindi na ako nakapagtataka pa kung bakit ito tinanggap ng isang mahusay na season aktress na si Ms. Charo Santos-Concio at ang mahusay na aktor sa henerasyon na ito na si Daniel Padilla at nakasama din ang isang baguhan pero may ibubuga na si Rans Rifol.

Ibinahagi din ni Daniel Padilla sa virtual media conference na ang Kun Maupay Man it Panahon ani nya, “hindi naman sya bagong serious role, I’m done serious film Star Cinema, itong pelikula na ito isa different from other films because ngayon lang ako gumawa ng isang film na on the real events iyong Yolanda and in different productions also since ever since kagi ako sa Star Cinema, ayun ang mother studio. Sabi nga ni Ma’am Charo its a challenge to us as an actors to do this kind of film para lang kami maggrow sa craft namin and also si Direk Carlo (Carlo Francisco Manatad) talagang grabe ung una nagdadalawang isip ako tanggapin yung pelikula dahil ako’y may takot na gawin ang pelikula lalo na… Di kagaya sa aking lumang pelikula mga direktor ko kaclose ko andun yung paggabay nila, si Direk Carlo firt time namin magkakilala pero ung nag-usap kami na inlab na din ako sa kanyang pelikula at pangalawa ako po na taga Tacloban mismo na hindi kayang hindihan ang pelikula na ito.”

Sa sinabi ni Danile Padilla walang mo magiging worthy ang manonood mo tagal may kwento na talaga naman sumasalalim sa totoo at isa pa napapanahon din ang pelikulang ito dahil sa nangyari sa Visayas at Mindanao. Siguro kung nanamnamin natin ang kwento at ibabahagi sa mas nakakarami mas magiging aware tayo sa paligid at kalikasan natin. Oo matatag ang Pilipino pag may dumadating na bagyo sa atin pero di lamang dapat ganun lagi dapat mas maging handa tayo at matuto sa mga nagdaang pangyayari sa ating upang hindi na maulit pa.

Kaya sa nalalapit na 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) suportahan natin ito hindi dahil sa mahusay na pagganap ng mga bida kundi sa magandang storya at na sumasalalim sa ating bansa.

Mula sa Direksyon ni Carlo Francisco Manatad.

Ang Kun Maupay Man It Panahon produced ng Cinematografica (Philippines),  planc (Philippines), House on Fire (France)| iWantTFC (Philippines), Globe Studios (Philippines), Black Sheep (Philippines), Quantum Films (Philippines), AAND Company (Singapore), KawanKawan Media (Indonesia), Weydemann Bros. (Germany), and CMB Films (Philippines).