Sabi nga nila ang bawat likha ng isang mahusay at alagad ng sining ay dapat binibigyan ng importansya dahil habang tumatagal ang kanilang mga likha ay tiyak na pagkakaguluhan ito ng madla. Dahil sa doon nagkakaroon ng malawakan na mapepeke nito.
Kaya naman kamakailan lamang ay pormal Ng inilunsad ng isang gallery sa San Juan ang isang programa kung saan dito sinusuri at bibigyan ng certificate of aunthenticies na orihinal itong gawa at hindi napeke o nanakaw.
Ang gallery na ito ay ang Fundacion Sansó, hinilahad ng Fundacion Sansó kung paano malalaman at makikilala ang isang peke o nakaw na sining sa mamagitan ng mas pinahiglit na siguridad na nilalagay nila sa painting o arts nito at sinamahan pa ng isang certificate na nakasaad doon ang bawat importansyon ng painting.
Ang maganda din sa Fundacion Sansó ay maari mo din ipacheck sa kanila ang iyong painting pero syempre hindi naman libre pero nasa mababang presyo lang naman Ito.
Nakakatuwa lang na isa ako sa mga naimbitahan para sa ganitong programa ng Fundacion Sansó na alam naman natin lahat na napakalaking tulong nito sa industrya ng sining lalo’t pa na hindi masyado nabibigyan ng atensyon ito ng gobyerno.
Narito ang buong video coverage kung paano mo nga ba malalaman na peke o nakaw ang isang painting.