Sunday, November 24, 2024

Gian Magdangal, Harry Santos, Cesar Montano at iba pa sasabak sa isang matinding “Kundiman” sa Cultural Center of the Phillipines

Gian Magdangal, Harry Santos, Cesar Montano at iba pa sasabak sa isang matinding “Kundiman” sa Cultural Center of the Phillipines

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Sino nga ba Generation X ang di nakakaalaman ng kanta na ito, isa ito sa mga pumatok na kanta ng isang sikat na OPM band na Silent Sanctuary. Madami din naman pinaluha ang banda na ito sapagkat ang ganda ng mga lyrics at dama mo talaga ang bawat pintig nito hanggang sa iyong puso. Sa hindi na nakakaalam ang pamagat ng kanta na ito ay Kundiman.

Anu nga ba ang Kundiman? Ang kundiman ay isang tradisyonal na awitin Filipino kung saan tumutukoy sa iang wagas na pag-ibig.

Sa panahon ngayon ay bibihira ka na lamang talaga makakarinig nito syempre marahil dahil na rin sa pagbabago ng panahon at konsepto ng panliligaw, hindi ba? Iilan nga ba sa atin ang gumawa ng panliligaw na tradisyonal na ung tipong may kasama ka maggigitara at ikaw ang aawit para sa iyong sintang mahal. Hindi ba, wala na? Sapagkat iba na rin ang pamaraan nito dahil sa bukso ng teknolohiya.

Kaya naman nakakatuwa na ang Cultural Center of the Philippines’ Office of the President (CCP OP) ay meron isang proyekto kung saan ibabalik nila ang isang tradisyon na kanta na unting- unti na nawawala dahil sa makabagong teknolohiya. Ang pamagat ng proyekto na ito ay “KUNG HINDI MAN, A Collection of Musical Treasures”.

Ilan sa mga mag-aawit na nakisali sa proyekto na ito ay sina Arthur Espiritu, Cesar Montano, Gian Magdangal, Harry Santos, Lara Maigue, Mariel Ilusorio, Nerissa De Juan, iconic OPM band Orange and Lemons at ang world-renowned Philippine Philharmonic Orchestra (PPO).

Ung mga kasali pa lamang sa proyekto na ito ay pasabog na dahil alam naman natin na di lamang sila basta-basta mang-aawit mahusay din sila sa kanilang mga larangan na napili. Isa pa ang maganda dito libre mo itong mapapanood, oo libre dahil nasa opiyal facebook page ng Cultural Center of the Philippines lamang ito. Kaya naman kahit anung ginagawa mo o kahit anu pa mang oras panigurado maeenjoy mo ito.

Kaya naman huwag na huwag mo itong papalagpasin sa darating na SEPTEMBER 25, 2021 sa ganap na 6:00 PM!

Malay mo ilan sa mga awitin na kakantahin nila ay maari mo din gamitin para sa iyong sintang minamahal para sa iying monthsary o di kaya sa anniversary or pwede rin sa lalapit ninyong kasal.