Friday, November 22, 2024

How GCash Forest works to save the environment

How GCash Forest works to save the environment

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila kung hindi natin aalagaan ang kalikasan dadating ang panahon na hindi na natin alam kung saan tayo kukuha ng mga natural na pagkain para sa ating sarili at paano na ang magiging kabuhayaan ng susunod na henerasyon.

Kaya naman sobrang tuwa ko dahil ang isa sa mga premiere Mobile wallet sa bansa na GCash ay may inilunsad kamakailan lamang kung saan mas nakakatulong tayo sa bawat pindot natin sa ating sariling mobile phone. Walang iba kundi ang GCash Forest.

Ang maganda kasi sa GCash Forest ay meron itong feature ba kung saan para ka na rin naglalaro ng farm ville kung naaalala ninyo ang laro na iyon dati sa facebook. Ang pinagkaiba ka lamang ng GCash Forest ay habang nagtatanim ka ng puno ay sa kabilang banda ay nagtatanim din mismo ang community ng GCash ng totoong puno na Yakal. Kung saan endangered na ang puno na ito. Kaya naman bilang pagbabalik tanaw sa kalikasan ay muling binubuhay ng GCash Community ang pagtatanim nito. Syempre ang aim ng GCash Forest ay magkaroon ng  365 thousand trees sa tulong na din ito ng mga subscribers at layon nito na matapos ang proyekto sa loob lamang ng 365 days.

Sabi nga ni Mynt CEO Anthony Thomas, “GCash is no longer just providing an excellent platform for accessible financial products and services but also enabling Filipinos to be more active in responding to real-life issues, such as climate change mitigation through reforestation.”

Tama nga naman yun kasi alam naman nating lahat na iba na ang climate change ngayon sobrang lala na kitang kita na man yun dahil ilan sa mga lawa o dam natin at mabilis na matuyo dahil sa sobrang init ng panahon. Kapag tag-ulan naman ay sobrang tubig kaya mabilis na bumabaha sa mga bawat lugar na hindi naman dating binabaha.

Kaya naman bilang isang ordinaryong mamayan paano ka makakatulong sa kaunting pagbabago na ito, simple lamang naman idownload na ang GCash Forest app para mas mapalago natin ang kagubatan at mabigyan natin ang susunod na henerasyon ng magandang kinabukasan.

Narito ang video tutorial kung paano ka ba ang GCash Forest.