Wednesday, January 22, 2025

How to maximize your 50 pesos in GInvest of Gcash?

How to maximize your 50 pesos in GInvest of Gcash?

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga sa isang sikat na commercial hanggang saan aabot ang 50 pesos mo ngayon?

Isa sa mga bagong features ng GCash ay pagpagkakaroon nito ng GInvest kung saan pwede ka maginvest ng 50 hanggang 1,000 pesos lamang.

Pero bago yan anu nga ba ng GInvest? Base sa aking pagkakaintindi para siyang mutual funds kung saan ang iyong perang ilalagay ay ilalagay naman nila sa mga kilalang stocks market. Kumbaga ang GInvest ay isang platform sa katulad nating di kaya bumili ng mga malalaking stocks na alam naman natin kailangan ng mas malaking halaga pero dahil sa GInvest pwedeng pwede ka na bumili ng stocks dahil sa kanilang UITF kung saan ang ATRAM ang nagmamanage nito paraa sa atin. Gets ninyo ba?

Ang maganda pa sa GInvest madami kang pagpipilian na funds na mula sa 50 hanggang 1,000 pesos. Anu-ano ba ung mga funds na ito?

ATRAM Peso Money Market Fund, ATRAM Total Return Peso Bond Fund, ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund, ATRAM Global Technology Feeder Fund at ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund.

Paano nga ba magsimula mag-invest sa Gcash-GInvest simple lang naman siyang gawin una pumunta ka lamang sa iyong Gcash app tapos nahapin mo GInvest pagkatapost ay magregister ka lamang at sagutin ang ilang sa mga katanungan kasi doon magbabase kung anung klaseng investor ka nga ba kung ikaw ba conservative, moderate o aggresive pagnatapos mo na syang sagutin lalabas na sa huli kung anung risk appetite mo. Syempre ayaw mo naman masayang ung investment mo na ilalagay hindi ba? So kailangan alam mo kung saan dapat ito mapupunta.

Pagnakita mo na kung anung appetite mo pwede ka mag invest at makikita mo sa Investment Products (ATRAM Peso Money Market Fund, ATRAM Total Return Peso Bond Fund, ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund, ATRAM Global Technology Feeder Fund at ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund) at nakasad na rin doon kung makano ang minimum investment sa bawat funds.

Kung gusto mo malaman kung para saan ang mga funds na yan maari ninyong panoorin ang dalawang channel na marerecommend ko na si Nicole Alba at para naman malaman ninyo kung nalugi o nag gain kayo sa funds ninyo maari naman kayo pumunta sa channel ni John Carlo Oreste, CPA .

Di ba kahit sa maliit na paraan nakapag-invest tayo lalo ba sa panahon ngayon na ang bilis-bilis tumaas ng mga presyo ng mga bilihin na kailangan talaga sabayan natin ito ng husto kung hindi panigurado sa hinaharap mahihirapan tayo lalo na kung magkakaroon na tayo ng pamilya.

Anu pa hinihintay mo mag-invest na sa halagang 50 pesos sa GInvest lalo na ngayon na mababa ang market kung saan masarap bumili ng maraming stocks.