Friday, January 10, 2025

Learning about the Grieving with Great Hope with Dr. Tito Almadin

Learning about the Grieving with Great Hope with Dr. Tito Almadin

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Actually ang dami-dami kung hugot dito sa online sesh na ito, hindi dahil maganda ung naging paksa na binigay at ginawa ng Ripple8 kundi madami talagang realization. Lalo na sa grave kasi ang dami dami rin nawala sa paligid ko di lamang sa mga family members kundi pati na rin sa mga kaibigan. Minsan naisip ko ang naiiwan nila sa buhay lalo na ngayon na alam naman nating lahat na ang daming protocol ngayon, di na basta-basta ang gathering so nakakalungkot na ung mga gusto pumunta hindi makakapunta o mas malala pa minsan di ba na di na nakikita ng family dahil kailangan iburn na agad ung mahal sa buhay.

Kaya kagaya nga ng aking nasabi sa isang facebook post, “maikli ang buhay ng isang tao kaya dapat bigyan ito ng pansin at pahalagaan lalo na ang mga taong nasa paligid mo at bigyan mo sila ng importansya dahil minsan ang salitang kumusta ay isang simpleng salita pero malaki ang impact sa isang tao, dahil sa salitang kumusta ka madaming mga bagay ang maaring pag-usapan na maging dahilan upang mas makilala mo sya at kung may pinagdadaan ba sya. Di mo sya matulungan ng harap-harapan pero ang mag-uusap ay malaking tulong na sa kanila.

Dahil ang “kumusta ka?” ay maaring maging tulay para mailabas nila ang minsan mga saloobin na nakatago lalo na ngayon sa nangyayari sa ating paligid.”

Ikalawang learning sa Grieving with Great Hope, ang salitang “Magmove ka na”

Minsan ang salita na yan hindi mo mawari kung matutuwa ka ba ng husto o hindi sapagkat minsan ang dali-dali sabihin pero mahirap gawin lalo’t na kung ikaw mismo ang nasa iswasyon na kung saan ang mahal mo sa buhay ang nawala at hindi mo mawari kung anung gagawin mo sa buhay.

May kwento ako patungkol sa bagay na ito, hindi ko alam kung dapat ko ba itong ilabas o hindi marahil oo kasi andito na rin ako at pwede na rin itong maging parte ng outlet ko sa learnings di ba?

Noong napatay ang aking lolo nasa isang work ako nito ung natanggap ako ng text na nawala na sya, unang reaksyon ko wala as in wala marahil di pa maprocess ng utak ko na wala na sya kasi parang kakaalis ko lang sa probinsya noon at ako pa ang nag-aalaga sa kanya sapagkat may sakit na sya pero kailangan ko bumalik ng manila dahil na rin may work ako natapusin at may kasama naman sila sa probinsya ng time na iyon. so ito na nga dahil nga wala pumapasok sa utak ko at wala tuloy pa rin ako sa mga work buong araw na yun at sa sumunod na araw at dali-dali na rin ako lumuwas ng probinsya para maayos ang ilan sa mga bagay-bagay sa aking lolo. Dumating ako doon na hindi ako umiiyak at patuloy pa rin ang buhay, ako pa nga ang nag-aasikaso sa ilan sa mga bisita at nag – uupdate sa social media para sa mga kamag-anak namin nasa overseas.

Ito na ung breakdown moment ko ung naglalakad na kami para ihatid sa huling destinasyon ang aking lolo dito na ako nag breakdown iyak ako ng iyak habang naglalakad ako muntik na nga akong matumba dahil naghina ako sa kakaiyak (habang ginagawa ko ito naiiyak ako bumabalik ang lahat ng memories) buti na lang katabi ko ung pinsan ko at nahawakan nya ako at patuloy pa din ako sa pag-iyak hanggang sa dulo. Hindi ko na nga namalayan na nasa huling destinasyon na pala kami.

Ang dami-dami kong thoughts habang nililibing ang lolo ko di ko ma-explain ang kumbaga ang hirap ang express ang damdamin tapos minsan ung nasa paligid mo sasabihin ka pa na “okey lang yan, makamove-on ka din”. Di ko alam ang sasabihin ko actually after ko marinig ang ganung bagay sapagkat alam natin na oo madali mag move on pero kasi ung process ng moving on at di naman ganun kadali lalo’t na kung isa ikaw sa mga nakasama nya at nag-alaga kahit minsan ang hirap hirap dahil kahit may iniinda ka na sakit di mo masabi sa ibang tao kasi baka sabihin nila ang arte mo naman yun lang naman ang gagawin mo ang tamad mo pa. Tignan mo si ganito kayang kaya nya.

Minsan hindi mo na lang alam kung saan mo na lang ilulugar ang sarili mo. Kaya hinayaan ko na lang sa maykapal ang process na ito, sabi nga nila di ba, ang lahat ng bagay may dahilan at panigurado ang dahilan na ito ay makakabuti basta patuloy ka na lang magtiwala at maniwala kay Bathala sa lahat ng gagawin mo.

Basta ituloy mo lang ang buhay kahit minsan hindi muna kaya ung sakit at hinagpis na dinadaan mo ay mainam bigyan mo din ang sarili mo na mag-open up sa mga taong nasa paligid mo dahil sa ganung paraan hindi lamang ang sarili mo ang iyong tinulungan kundi maging ang mga tao sa iyong paligid.

#GrievingWithGr8Hope
#Ripple8Talks