Wednesday, January 22, 2025

Let’s learn Baybayin while inside the LRT1

Let’s learn Baybayin while inside the LRT1

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila kung hindi mo papahalagahan ang mayabong na nakaraan kahit kailan ay hindi ka kailangan man uubos sa hinaharap. Simpe lang naman ang mensahe nila kung kung bibigyan mo ng importansya ang nakaraan ay sigurado tuloy-tuloy ang pagyabong mo sa buhay sapagkat nakita mo na ang halagaan ng nakaraan at may mga bagay na hindi mo na maaring gawin ngayon ung mas mapaganda ang iyong kasalukuyan.
Maliban syempre dito titignan mo din ang magandang nagawa ng nakaraan sapagkat dito mo makikita na magagamitin mo ito at mas lalo mo iyong mahahasa.

Anu nga ba itong mayabong na nakaraan ang aking sinasabi, simple lang naman ang ating lumang alpabetong tagalog o mas kilala bilang “Baybaying Tagalog”. Sa mga hindi nakakaalam ang Baybaying Tagalog ay isang uri ng alpabeto na ginagamit ng ating mga pinuno noong bago pa tayo masakop ng mga Kastila.

Nakakatuwa lang kasi muli na naman umuusbong ang Baybayin sa atin bansa patunay ito na makikita sa iba’t-ibang social media network maliban pa ito ay makikita na rin ang Baybayin sa LRT1 kung saan sa aking palagay ay mas lalo-lalong matutuwa ang mga gustong matuto nito. Salamat sa LRT1 sa pagbibigay ng halaga dito. Syempre ang pagkakaroon ng Baybayin sa LRT1 ay hindi lamang pasabing may desenyo ito kundi isa rin itong paraan upang magbigay ng halaga sa mga bawat guro na nagturo sa atin mga dapat natin gawin, isa sila sa mga naging dahilan kung sino nga ba tayo ngayon.

Isa sa mga gusto ko sa LRT1 ay tuwing may mga sabihin natin mga okasyon ay binibigyan nila ng kakaibang kulay ang kanilang mga tren, isa na nga doon ang pagkakaroon ng Baybayin nito at syempre ay pagbibigay ng halaga sa mga guro sa pakikipagtulungan ng Gabay Guro PLDT-Smart Foundation.

Patunay lamang na hindi lamang ito ordinaryong tren na sasakay ka lang tapos yun na yun, hindi sapagkat nagiging instagrammable na din sila simula noong pinauso nito ang mga ganitong mga disenyo.

Kaya naman sa mga mananakay ng LRT1 huwag ninyo palagpasin ang pagkakataon na makasakay sa special train na ito at namnamin ang ating kasaysayan. Hindi lamang mga basic words ang maari ninyong matutunan dito kasama na rin ang mga pangungusap sapagkat meron din silang mga pabugtong o mga quotable quote na sinabi ng ating mga bayani katulad ni Gat Jose Rizal,  Francisco Balagtas, Andres Bonifacio at marami pang iba.