Wednesday, January 8, 2025

Mangan Ta Na : Firehouse Pizza

Mangan Ta Na : Firehouse Pizza

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isa sa gusto ko talaga sa South ay ang daming pagpililian na kainan mula sa pinakamahal hanggang sa pinakamura, hindi mo na kailan pang pumunta sa North lalo na sa panahon ngayon na kabila-kabila ang mga pagkagawa ng mga skyway at kalsada dahil sa Build-Build-Build project ng pamahalaan.

Nitong nakaraan lamang ay may nadiscover akong swak sa bakarda o maging sa pamilya, ito ay walang iba kundi ang Firehouse Pizza na matatagpuan lamang sa Entrata Building malapit sa Festival Mall.

Masasabi ko na iba ang Firehouse Pizza sa lahat ng Pizza parlour sapagkat mula sa magandang interior nito na classic contemporary ay meron sila sariling pugon na kung saan mas nagbibigay Ng kakaibang lasa sa Pizza at may smoke effect pagkakain mo ng Pizza.

Maliban pa dito ang Firehouse Pizza ay talaga naman alam mo na fresh na fresh dahil kita mo kung paano ito ginagawa dahil na sa labas ang kanilang kitchen. Kaya once na nag-order ka na ng Pizza alam mo na agad kung anu yung mga ingredients na nagamit sa Pizza na inorder mo.

Isa din sa gusto sa Firehouse Pizza ay mas nagfocus talaga sila mismo sa Pizza at Salad na isa na sa mga gustong-gusto ko bilang ako ay mahilig sa pagkain ng dalawa kumbaga perfect combination ito. Ang maganda din sa Firehouse Pizza nag-ooffer din sila ng unlimited cocktail drink na unlimited so mas mapapahaba talaga ang kwentuhan ninyo ng mga barkada mo lalo na kung matagal na kayong di nagkakausap.

Narito ang ilan sa mga naorder namin salad sa Firehouse Pizza.

Mini Calzone Salad (370)

Ang Mini Calzone Salad ay naglalaman ng baby spinach, dried tomatoes, pesto sauce, and parmesan cheese na sa lahat ng Salad ng Firehouse Pizza ito ang naging paborito ko sapagkat iba ung lasa at combination nito.

Burrata Salad (550)

Burrata Salad ay naglalaman ng mesculin leaves, garden tomatoes, burrata cheese, at balsamic olive oil. Actually iba ung lasa niya kumpara sa una pero ang maganda dito nagbibigay sya after taste at perfect sa mojito.

Panzanella Salad (280)

Ito Panzanella Salad is good for the kids na hindi masyado gusto Ang madahon pero swak sa lasa nila.

Syempre pagkatapos ng masarap na kainan ng salad ang inaabangan ng lahat ang Pizza. Apat ung inorder namin na pizza na di kami nagsisi dahil amoy pa lamang ay alam mo na fresh at tama ang pagkakaluto nito marahil dala ng pagluto nito sa pugon.

Narito ang apat pizza na pwede ninyo din tikman pag nasa Firehouse Pizza.

Pepperoni Pizza
Margherita Pizza
Garish Gravlax Pizza
Firehouse With Burrata

Lahat ng pizza na ito sulit at sa Firehouse Pizza mo lang talaga matitikman lalo na ang kanilang signature pizza na Firehouse with Burrata na nasa presyong Php 700.00

Ang ilan sa mga presyo ng pizza ay naglalaro sa halagang 500 to 650.

Sulit sya para sa akin dahil kita naman sa ingredients pa lamang na alam mo na at kung paano sya naluto.

At sa naaliw ako sa Firehouse Pizza ay ang kanilang kakaibang version ng Affogato at ang halaga lamang nito ay Php 220. Tamang tama Ito SA mahilig sa coffee at ice cream type.

Overall ang Firehouse Pizza ay maganda lugar to chill to relax talaga. Kaya anu pa hinihintay mo subukan mo na Ang Firehouse Pizza na matatagpuan sa Entrata Urban Complex, 2609 Civic Drive, Filinvest City, Muntinlupa City. Bukas sila mula 11 ng umaga hanggang 10 ng Gabi.