Friday, January 10, 2025

Manila by Night 2020

Manila by Night 2020

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang dami binago ng pandemic na ito sa atin mula sa simple pamumuhay natin naging magulo at kumplikado dahil madami naging protocol sa ating Lahat. Nasubok ang ating katatagan sa madaming bagay, ang nakakalungkot din ay madaming mga trabaho ang nawala lalo na sa mga live events at entertainment. Pero madami naman nagi-usbong na bagong negosyo mula sa mga work from home businesses.

Aminin natin na madami din mga planong mga nasira ung kalkulado mo na ang 2020 mo pero dahil nga sa pandemic na ito nawala Lahat lalo na ung mga indie traveller natin na ang dami nabook na airlines pero dahil sa pandemic nawala Lahat at nasayang ang mga plano.

Isa din ako sa mga indie traveller na un hindi man halata pero oo masarap maglakbay na walang nakakaalam, walang post sa social media. Ewan siguro iba ung dating sa akin ng ganun na walang iiwanan na bakas para mas maging masaya andyan naman ang alala na pwede mo baunin hanggang sa iyong pagtanda, hindi ba?

Isa din sa mamimiss ko ang Manila By Night Photowalk, nakakalungkot din na di ito matutuloy. Isa to sa mga inaabangan ng mga photo hobbyist dahil makikita mo ang ganda ng Manila pagsabit ng gabi. Nakakatuwa nga kasi ang dami ng iwan ng mensahe sa facebook patungkol sa Manila By Night kung tuloy ba ito o kahit man lang intimate photowalk. Pero syempre bilang mabuting mamamayan tayo mas tamang isipin na lang natin ang kaligtasan ng lahat lalo na di rin biro ang Manila By Night Photowalk sapagkat mahaba-habang photowalk din yun mula sa Quiapo hanggang Luneta, dun pa lamang sigurado ka na madami ka na makakasalamuha di ba? Lalo na ngaun na meron na panibagong virus na kumalat sa ating bansa. Kaya mainam na wala muna Manila By Night 2020.

Babawi tayo sa 2021 na sana mas maging okey na ang lahat, bumalik na sa dating gawi.