In my world, before you I lived outside my emotions Didn’t know where I was going ‘Til that day I found you…
Sino nga bang batang 90s ang hindi alam ang kanta na yan na pinasikat ng isa sa mahusay na Boyband Group noong 90s. At isa din ito madalas na ginagamit sa kasal kaya hindi nakapagtataka pa kung bakit hanggang ngayon ay may nakakakilala pa rin sa kanila, sino sila? Ang 98 Degrees!
Sa mga di nakakaalam ang Boyband na 98 Degrees ay binubuo ng 4 na kalalakihan na sina Jeff Timmons, Nick Lachey, Justin Jeffre at Drew Lachey.
Dahil sa kanilang natamong kasikatan noong 90s ay talaga naman nalibot nila halos ang buong mundo dahil sa kanilang concert, isa na dito ang Pilipinas kung saan dinagsa ito ng libo-libong tagahanga nila. Kaya naman sa kanilang pagbabalik nakakasigurado ang mga tagahanga nila na mas nakakapanabik at mas masayang kantahan ang magaganap lalo’t hindi lamang isang beses na concert ang magaganap sapagkat dalawa, isa sa Davao at isa sa Manila. Kung saan makakasama ng 98 Degrees ang ating kababayan na sina Showtime’s Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak champion Mark Michael Garcia and three-time defending winner Christian Biando.
Hindi na nakapagtataka pa na sila ang napili sapagkat kitang-kita naman ang galing niya sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime. Maliban pa dito nabigyan pa ng pagkakataon ang member ng press / media at fans na makinig sa dalawang mahusay na mang-aawit na ito nitong nakaraan kung saan pinakilala na sila officially bilang front-act artist para sa 98 Degrees Philippine Concert.
Narito ang video kung saan hataw na hataw sa pagkanta si Showtime’s Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak champion Mark Michael Garcia.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1059327374425100&id=114262599964180
Syempre di naman matutuloy ang concert kung wala ang mababait na sponsor na Tanduay, SMDC, Nanyang, Clyde, Japonesa, Skippy’s Bar, Bxtra and Svelt’i.
Ang Axl Powerhouse Network ay opisyal na media partner ng 98 Degrees Philippine Tour.